Tahimik lang sana ang paligid nang biglang may sumigaw sa labas ng campus.
"Naririnig mo rin ba yon?" Tanong ni Hannah kay Bron while wiping her tears.
"Isa nanamang survivor?" - Bron
Agad silang dumungaw sa bintana. From a distance, may nakikita silang tumatakbo na lalake. Iba ang uniporme nito. Sa hindi naman kalayuan may nakikita rin silang humahabol na mga zombies. Maraming zombies. Tumayo kaagad si Hannah at lumabas sa classroom.
" Papapasukin natin siya!" - Hannah
" Hannah, teka muna! " - Bron
Pero nag madali nang lumabas at bumaba si Hannah sa ground floor. Kaya Bron grabbed his sword at sinundan na si Hannah.
"Tulong! Tulongan niyo ko!!!" Isang nanginginig na boses ang naririnig ngayon ni Hannah. Nasa harap na ito ng gate, desperately shouting and banging the gate.
Na'sa baba na si Hannah at nakita niyang umuaakyat na sa mataas na gate ang lalake. Punit-punit na ang kanyang damit. Hindi pa maisip ni Hannah kung ano ba ang dapat niyang gawin. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakikita niyang sandamakmak na zombies na ilang hakbang nalang ang pagitan sa lalake.
"Get in! bilisan mo!" Sigaw ni Hannah while unlocking the gate. Diretsong bumaba ang lalake sa pag akyat niya sa gate at pumasok. Minabilis na sinara ni Hannah ang gate at agad niyang hinawakan ang lalake sa kamay, dragging him inside the building.
Kung maka takbo ang lalake, tila parang zombie na rin. Wala nang lakas ngunit kailangang tumakbo. Panting while his eyes narrowed. Pawis, laway at luha ang lumalabas sa kanya. He ran for his life. Matagal na siyang tumatakbo at hinahabol. Dama ni Hannah ang takot sa panginginig ng lalake.
Bago pa man sila maka pasok sa main door, nag tago si Bron sa likod ng pinto. He wanted to make sure, mapagkakatiwalaan ang isang to. Nang dumaan sila, nakita ni Bron ang pag hawak ni Hannah sa kamay ng lalake at parang may masama siyang nararamdaman. Pero hinayaan niya lang muna ito.
Gustong sirain ng husto ng mga zombies ang gate. The commotion attracted more zombies na dumagdag ng lakas para sirain ang gate
Pagka rating nila sa classroom..
" Bakit may mga zombies sa labas? Pano nila tayo natunton??" Tanong ni Erick na may hawak ng baril.
Naka akbay balikat ang lalake kay Hannah. Patuloy parin ang pag hihingalo nito.. "Mga zombies na hinabol siya. Kailangan ko siyang tulungan. Kawawa naman kasi. Kanina pa yata siya tumatakbo." Sabi ni Hannah habang pinpaupo ang lalake sa silya at pinapahinahon.
" Ah. Okay ka lang ba? Upo ka muna dyan. Ano ba pangalan mo?" - Erick
"Kayri." Sagot ng lalake, trying to catch his breath. Hannah handed him a cup of water.
"Gusto mo ba'ng kumain? Erick, may pagkain ba dyan?" - Hannah
" Ah oo meron. Meron dito." Kumuha ng biscuit at cup noodles si Erick sa bag at binigay sa lalake.
May warm water yung water dispenser sa loob ng classroom kaya ito na ang ginamit nila dun sa noodles. Maya-maya lang ay natahimik na sa labas ng gate. Kaunti na lang ang mga zombies doon.
" Nasaan ba si Bron?" - Erick
Umiling lang si Hannah dahil hindi rin niya alam kung nasaan si Bron. Soon enough, naubos na rin ni Kayri ang kanyang kinakain. Uminon sya ng maraming tubig na tila ilang araw nang dehydrated.
*BURP* "Salamat talaga sa inyo." Sabi ni Kayri while patting his tummy. Napangiti siya kina Hannah at Erick.
"Strangers can fake a smile." Boses galing sa may pintuan. Napalingon ang lahat. Bron came out from the dark. Nakakatakot dahil parang may kasama itong dark cloud.
Kayri's smile faded. At tinignan niya ng mabuti si Bron na papalapit sa kanila.
" Sino to?" Tanong ni Kayri kay Hannah.
Sasagot na sana si Hannah nang biglang lumapit ng sobra si Bron kay Kayri at tinitigan ito sa mga mata. Nagulat si Kayri.
"No. Who are you?" Seryosong tanong ni Bron. Hindi man lang natakot o nagulat ang lalake kay Bron. Walang ngiting lumabas sa mga labi ni Kayri habang nagkatitigan silang dalawa.
" Aaah, ehhh siya nga pala si Bron. He saved both of us." Erick interrupted, pointing himself and Hannah.
" I can't trust this stranger. " Bron frankly said at lumakad papalayo kay Kayri.
" Bron.. Hindi siya isang stranger. Isang survivor rin siya tulad natin.. His name is Kayri.. Kung tinulungan mo kami ni Erick, ganun lang din ang ginawa ko para kay Kayri." - Hannah
" Sige. Maari kang matulog dito.. ng isang gabi lang. Tommorow dawn umalis ka kaagad. " Bron coldly exclaimed. Nangunot noo si Kayri sa narinig niya. Hindi siya maka paniwalang papalayasin siya ng lalakeng hindi niya rin gusto.
"Bron, ano ka ba!" Sigaw ng naiinis na Hannah ngunit hindi na siya pinansin nito.
"Anong problema nun? Galit na ba siya agad sa akin? Kay bago bago ko pa nga dito. May issue na agad siya." - Kayri
Erick nervously laughed. "Let me get you a mat. Para makapag pahinga ka na. Bukas nalang natin pagisipan kung paano ka makaka sama sa amin." Sabi ni Erick at lumabas na papuntang PE room. Napa upo naman si Hannah sa kanyang mat. She sighed deeply. Bron is the boss. Paano niya kaya ma kumbinse ito.
"Boyfriend mo ba 'yong Bron na 'yon?" Biglang napatanong si Kayri while sitting beside her.
"Naku. Hindi. Hindi nga kami close. Ngayon ko lang siya nakilala. Ba't mo nasabing magkasintahan kami?" Namumula ang mga pisnge ni Hannah.
" Baka kasi nag seselos siya dahil tinulungan mo'ko. At inaalagan pa" Kayri smirked.
" Selos? Hah! Parang hindi naman yata. Ganyan lang talaga 'yan. Pero mabait yan. Di bale, bukas baka mag iba na ang disip niya. - Hannah
" Hmmmm sana nga. Parang boyfriend kung maka asta eh. Wala naman palang label." - Kayri
Nag kwentuhan at nagtawanan ang dalawa habang naka titig lang si Kayri kay Hannah at napa isip siya; Ang ganda niya.. jackpot!
Lumapit pa siya kay Hannah at akmang hahawakan siya nang biglang dumating si Erick dala ang mat.
" Nasa rooftop lang si Bron nagpapa hangin. Kailangan iyan ng mga mainitin ang ulo. " Sabi ni Erick habang inaayos ang mat sa sahig. Kumuha rin siya ng mga damit sa kanyang bag at inihagis kay Kayri. "Mag palit ka nga muna. Amoy zombie ka na nga, punit-punit pa yang damit mo."
Natawa ng konte si Kayri at ng sabi " Salamat ah?" Agad naman siyang pumunta sa madilim na bahagi ng room para makapag palit na ng damit.
--
Humiga na si Hannah sa kanyang mat habang may mga iniisip.
Ba't kaya ganoon bigla si Bron? Kanina ang bait niya sa akin. He even let me cry on his shoulder. Pero nung dumating si Kayri, lahat ng bago sa kanya. At boyfriend? Pshhh….
Hindi nagtagal, nakatulog na si Hannah at habang si Erick naman ay nahihirapan ng bumalik sa pag tulog kaya pumunta na rin siya rooftop. Naiwan sina Hannah at si Kayri sa silid. Minulat ni Kayri ang kanyang mga mata and as soon as he realized na sila nalang ni Hannah sa loob ng kwarto, bumangon siya at umupo sa tabi ni Hannah. He whisphered;
"Were all alone now Hannah." Nakaka pangilabot ang mga salita at manner ng kanyang boses.
Tama kaya si Bron? Na hindi dapat pagka tiwalaan ang isang stranger na ito.