Namulat si Bron sa isang napakaliit na kwarto. Akala ko katapusan ko na… Dahan dahang bumukas ang pinto ng kwartong iyon at may pumasok na naka itim na jacket at may hood. Dahan dahan niyang ni-lock ang pinto at tinanggal ang hood sa ulo. Panaginip ba to? Si Hannah ba talaga itong nakikita ko? Lumapit si Hannah kay Bron at ngumiti. “Kumusta pakiramdam?” Her soft voice. Hindi agad nakapag sagot si Bron. Hinding hindi siya makapaniwalang nakita na niya si Hannah. Ngumiti lang si Bron ngunit tumutulo na ang mga luha nito. Gusto niya sanang yakapin si Hannah pero nauna nang humiga ito sa dibdib niya sabay yakap ng mahigpit sa katawan niya. “I missed you..” Hindi makagalaw ng maayos si Bron. Medyo mahina pa ang katawan niya. But he still hugged back. “Na miss din kita. I looked for you

