Nagbakasakali sina Bron at binalikan ang truck na naiwan sa may lawa. Ngunit wala na ito doon. Maari ay itoy ninakaw ng iba pang survivors. Malungkot na nagpatuloy sa pag lakbay ang magkakaibigan. Iniwan nila ang ale sa kubo at pinangakoan itong babalikan pagkatapos nilang makuha ang bulaklak. Tutulungan nila itong manganak, isang buwan mula ngayon. Iisang tube nalang ang dala nilang serum para kay Amelia. Konteng baril nalang ang dala nila. Dalawang loaded gun kasi ang iniwan nila para sa ale. At tinuruan na rin nila itong gumamit. Limitado ang balang dala nila dahil sinigurado nilang may sapat ang aleng iniwan nilang magisa. Tapat ang init ng araw kahit ilang oras lang ang naka lipas mula ng sumikat ang araw. Sa paglalakbay nila ng tahimik, wala silang masyadong nakakasalubong na zombi

