Chapter 18

3438 Words

NAKATAGILID LAMANG akong nakahiga. Nanginginig ang aking katawan kasabay ang panghahapdi sa parteng iyon. Natauhan ako sa nangyari. Sinisi ang sarili. Para akong maiiyak o umiiyak na nga ba talaga ako. Paano ko nagawa ang kababuyang ito? Hindi ako makapaniwala at hindi ko mahanap sa sarili na aabot ako sa ganito? Naramdaman ko ang pag-uga ng kama. Kasunod niyon ang mga yabag. Maliit na tunog likha ng pagsuot ng mga damit. Muling pagyabag at ang huli ay pagsara ng pinto. Bigla akong napahagulhol. Mula sa pagkakahiga ay niyakap ko ang aking tuhod. Muling kumirot ang parteng iyon ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Gusto kong sumigaw, gusto kong pagalitan ang sarili. Subalit nangyari na ang nangyari. Wala na akong magagawa. Ang tanging kailangan ko na lang gawin ay tanggapin ang lahat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD