ELAYZA "Ahhh!" sigaw ni Sir Arc at saka nagsumiksik sa bintana ng kanyang kwarto. Napairap ako. Gusto kong matawa pero 'yong sigaw niya nakakaasar na. Hindi na bagay siya. Like... ang gwapo niya tapos tipaklong lang para ang magpapatiklop sa kanya? Umalis ako sa kama niya at kinuha ang tipaklong na naroon sa ibaba ng unan. Inilahad ko iyon kay Sir Arc dahilan para lalo siyang mapasigaw at nagsumiksik sa likod ng roll up curtain. "Ahhh!" malaking boses na kumawala sa bibig ni Sir Arc. "Alisin mo 'yan sa akin, Elayza!" "Tsss, ang OA niyo, Sir! Laruan lang po ito! Hindi ito totoong tipaklong," wika ko dahilan para mapatigil siya. Umalis siya sa likod ng kurtina at tiningnan ng mabuti ang laruan na tipaklong na naman kamay ko. Napahagikhik ako nang makita ko ang reaksyon ni Sir. Nang

