Chapter 77 ELAYZA Hindi ako nakagalaw nang bitbitin ng dalawang lalaki si Arc. Walang humpay na pag-iyak ang ginawa ko. Hanggang sa ipasok ng dalawa sa kotse ang walang malay kong boyfriend. Doon ko binigyan ng lakas ng loob na habulin sila. Sobrang bilis ng pagtakbo ang ginawa ko habang sinisigaw ko ang pangalan ni Arc. But it's too late kasi mabilis na pinaharurot ng dalawa ang kotse. Napaluhod ako habang umiiyak. Hindi ko pinansin ang mangilan-ngilang tao na nakasaksi sa pangyayari. Ang tanging naramdaman ko lamang ng mga oras na iyon pagsikip ng dibdib at labis na kalungkutan. Para akong nabingi. Pakiwari ko ay ako lang naroon. Pakiwari ko ay pinagbasakan ako ng langit at lupa sa mga oras na iyon. "Arc!" sigaw ko habang umiiyak. Hindi ko pa nai-enjoy ang oras ko sa tabi ni Arc ta

