Chapter 36 ELAYZA "Sir Arc, gising na po ba kayo?" tanong ko habang kumakatok sa pintuan niya. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan para pakinggan kung may maririnig na ba akong ingay sa loob ng kwarto ni Sir Arc. Kasi kung meron ibig sabihin gising na siya. Alas 9 na ng umaga. Kailangan gising na siya bago pa man dumating ang mga magulang niya. Baka magalit kasi sina Sir Arnold at Ma'am Beverly kapag tulog pa siya. Pero nang idinikit ang tenga ko sa pinto ay saktong bumukas iyon. Nawalan ako ng balanse at muntik ng masubsub sa sahig buti na lang at nandoon sa pinto si Sir kaya naman nahawaka niya ako kaagad sa braso ko. Napatitig ako sa kanya. Ini-expect ko na ngingiti siya kaya ngumiti ako. "G-Goodmorning, Sir." nakangiting sabi ko. Pero 'yong seryoso niyang mukha ay biglang n

