Chapter 64

1282 Words

Chapter 64 ELAYZA "Kumusta ang trabaho mo sa mga Silvestre, anak?" tanong ni Mama. Pinaghainan niya ako ng almusal. Humigop lang ako ng kape doon sa mansyon kasi na-excite na ako umuwi. Hindi ko kasi nakuha 'yong day off ko noon isang buwan kasi naging busy ako dito lalong-lalo na noong na-aksidente si Arc. Ngumiti ako at nagsimulang kumain. "Ayos lang naman po, Ma," wika ko kahit ang totoo ay sobrang dami ng nangyayari sa mansyon. Lalong lalo na sa amin dalawa ni Arc. "'Yong anak pala ng amo mo, kumusta? Hindi mo nasabi sa akin noon na may anak pala silang binata. Nasabi mo lang nang hindi ka makapag-day off kasi na-aksidente siya." "Ahm... Si Arc? O-Ok naman po siya. Naghilom na ang mga sugat niya. Hindi ko nasabi sa 'yo Ma kasi bihira lang si Arc sa mansyon nila. May sarili kasi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD