Chapter 3

2010 Words
Chapter 3 ELAYZA Nang makalapit ako sa maindoor ay sakto namang bumaba sa kotse si Kuya Ofel para pagbuksan ng pinto si Ma'am Beverly. Sumunod naman na bumukas ang isa pang pinto ng kotse at lumabas doon si Sir Arnold. Nahigit ko ng bahagya ang paghinga ko nang makita ko ng personal si Sir Arnold. OMG! Siya ba 'yon? Teka... oo! Hindi ako pwedeng magkamali. K-Kasi... kasi parang nagkita na kami. Hinalughog ko lahat ng alaala sa utak ko hanggang sa mapatigil ako. Unang beses kong na-encounter si Sir Arnold, that is one month ago sa isang mall. May nakabunggo sa akin at nahulog ang mga pinamili ko. Pero hindi inaasahan na tutulungan niya ako na kunin sa sahig ang mga pinamili ko. Unang tingin ko palang sa kanya ay bigla kong nasabi na crush ko na agad siya. Kahit pa alam kong malayo ang agwat ng edad namin kasi halatang matured na siyang tingnan pero... Nang mga oras na iyon ay nasabi ko sa sarili ko na crush ko na agad siya. Tapos... OMG! Siya pala magiging amo ko? Ang liit talaga ng mundo. "Oh, hi... ikaw na ba si Elayza?" malamyos at parang anghel na tinig na wika sa akin ni Ma'am Beverly at nilapitan si Sir Arnold saka hinawakan ang bewang nito. Bahagyang umawang ang bibig ko. Oo nga pala... siya pala ang asawa ni Sir Arnold. Para akong pinitik sa noo dahil bahagya akong nahibang nang makita ko si Sir Arnold. Tapos biglang sinampal ako ng katotohanan na may asawa na pala siya. Sayang... "Ahm... opo." Pagtango ko. "Hi, Elayza. Nice to meet you." Inilahad ni Sir Arnold ang kamay niya. Muli akong nabigla. OMG! Makikipagkamay talaga sa akin ang amo ko? Kaagad ko naman tinanggap ang kamay niya at parang gusto kong tumili kasi ang lambot ng kamay niya! "I'm Arnold Silvestre and she's my wife Beverly." "Nice to meet you din po." Nakipagkamay din sa akin si Ma'am Beverly. God! Bakit parang sobrang bait naman ata nila? Ini-expect ko talaga sa mga mayayaman ay mga mapangmata sila lalo na sa mga katulad ko na mahirap lang. Pero hindi ko inaakala ganito sila kabait sa akin. Lihim kong pinasadahan ng tingin si Ma'am Beverly. Kung titingnan ay parang nasa mid 20's lang siya. Or... baby face lang talaga mukha niya? Sobrang kinis kasi at halatang alagang derma ang buong katawan niya. Mas lumitaw pa ang puti niya dahil sa suot niyang mamahalin at topgrade na Maxi dress na kulay dilaw. Ilang sandali pa ay nauna na silang pumasok ng bahay. Kinuha ko ang isa pang maleta na hawak ni Ate Lara. "'Di ba? Sabi ko sa 'yo ang babait ng amo natin," bulong ni Ate Lara sa akin habang nakangiti. Tumango naman ako biglang pagsang-ayon saka ngumiti. "Ah, Lara. Si Manang Gigi bumalik na ba?" tanong ni Ma'am Beverly habang sinusundan namin sila sa pag-akyat sa second floor ng bahay. "Ahm, hindi pa po. Ang sabi bukas pa po ng umaga siya babalik." "So..." Bumaling siya sa asawa. "Mag-o-order na lang tayo ng food for our dinner, hon? Wala pa 'yong cook natin eh," tanong ni Ma'am Beverly sa kanyang asawa. "Ok, sige. Walang problema." Tumango-tango si Sir Arnold. Gosh! Ang manly naman ng boses niya. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang boses ni Sir Arnold. Pakiramdam ko ay nagdudulot iyon ng kakaibang kiliti sa akin. Nang maidala na namin ang dalawang maleta sa labas kwarto ay nagsalita si Sir Arnold. Nang humarap siya sa amin ay bahagya akong na-starstruck sa ganda ng ngiti niya. Hala... bakit ganoon agad ang nararamdaman ko kay Sir Arnold? "Elayza, hintayin mo kami dito ni Ma'am Beverly at mag-uusap lang tayo saglit sa office. Gusto ka lang namin mas makilala." Mabilis akong tumango. Pinipilit kong itago ang tense at kaba na nararamdaman ko. "S-sige po." And yet, nautal parin ako. Hay! "Lara, hintayin mo na rin si Arc sa labas. In few minutes time. Darating na rin iyon." "Opo, Ma'am," sagot ni Ate Lara. Tiningnan ko si Ate Lara na noon ay bahagyang kumaway sa akin. Saka bumaba na rin ng hagdan. "Wait... siguro doon ka na maghintay sa office ko kasi magbibihis muna kami. Baka kasi ma-bored ka dito. Halika..." Sumunod naman ako. Hindi na ako nakapagsalita pa para sabihin na ok lang kahit maghintay ako sa labas. Pero everytime kasi na bumubungad sa paningin ko si Sir Arnold hindi ko maiwasan kabahan at pag-initan ng mukha. Gosh! Ang gwapo niya kasi talaga. Binuksan niya ang office niya. Bale nasa tabi lang iyon ng kwarto nila. May isang door doon sa office na deretso sa kwarto nina Sir Arnold at Ma'am Beverly. "Here... sit here and magrelax ka muna. First time mo bang magtrabaho sa bahay?" tanong ni Sir Arnold. Tumango ako pero hindi ko siya matingnan ng deretso dahil sa kaba. "O-Opo." "Kaya naman pala mukhang tense ka. Don't worry, we don't bite," he chuckled. "Hintayin mo lang kami for a minute ok?" Muli ay tumango ako. "Opo." Sobrang tipid lang talaga ako sumagot lalo na sobrang nakaka-intimidate makausap ang mga high class na tulad nina Sir Arnold at Ma'am Beverly. At mas lalo pa akong na-intimidate kasi 'yong crush ko na bigla ko lang nakita sa mall tapos ilang beses kong hiniling na makita ulit, ay magiging amo ko pala! Destiny na kaya ito? Gusto kong gumulong sa tiles na sahig dahil sa naiisip ko. Mabilis na napailing ako. "Luh? destiny ka diyan? May asawa na 'yong tao." saway ng isip ko. Napaayos ako ng upo nang may marinig akong mga yabag at boses na papalapit. "Hey, there's a maid. Can we just go to your room first?" hagikhik ng isang boses babae. Napakunot ang noo ko. Napatingin ako sa labas ng office ni Sir nang makita ko si Ate Lara na noon ay dali-daling inilagay ang isang maleta sa labas ng nakasaradong kwarto. Tatawagin ko sana si Ate Lara kaso mabilis siyang humakbang paalis. Hindi niya din ako nakita kasi nakayuko lamang siya at parang nagmamadali din siya. Muli ay nakarinig ako ng mahinang hagikhik. Saka ko nakumpirma na hindi iyon galing sa loob ng kwarto nina Sir Arnold at Ma'am Beverly kundi sa labas, sa hallway. "I can't wait to own you, babe..." himig na narinig ko mula sa isang lalaki. Bago pa ako makahuma ay nakita ko mula sa hallway ang dalawang tao na magkayakap. No, hindi lang sila basta nakayakap. Naghahalikan sila! Tumigil sila sa tapat ng nakasaradong kwarto ni Arc. At mula sa loob ng office ni Sir Arnold kung saan ako nakaupo sa upuan ay kitang-kita ko kung paano sila magpalitan ng laway. Para akong nadikit sa kinauupuan ko at pati ang mga mata ko ay nakapako na rin sa dalawa. Palibhasa nakatalikod sa akin ang babae, kitang-kita ko kung paano pinisil ng lalaki ang puwetan ng babae na naka-bodycon dress lang at kaunting taas na lang ng laylayan ng damit nito ay makikita na ang panty niya. Nag-init ang mukha ko. Iyon palang kasi ang unang beses na makakita ako ng naghahalikan ng personal. "Babe..." halinghing ng babae nang halikan naman ng lalaki sa leeg ang babae. Nang iminulat ng lalaki ang mga mata niya ay saktong nagtama ang mga paningin namin. Napaawang ang bibig ko pero hindi ko agad nagawang umiwas. Nagkatitigan kami. Wait, hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang anak ni Sir Arnold! Si Arc Silvestre. Binigyan ko ng lakas ang mga mata ko na umiwas. And gladly nagawa ko naman. Ini-expect ko na magugulat siya at mahihiya sa ginagawa nila pero nang muli ko silang tingnan ay isang mapang-asar na ngiti pa ang pinukol ng lalaki sa akin. Imbis na tumigil ay mas lalo niyang hinalikan ng malalim ang babae habang ang mga mata ay tila nag-aasar na nakatitig sa akin. Tuluyan kong naitigil ang paghinga ko. Hindi ko mapigilan pagpawisan ng malamig kahit naka-aircon naman ang office ni Sir. Tuluyan na akong umiwas ng tingin. Tae! Anong klaseng tingin iyon? Nang-aakit ba siya o pinapamukha niya sa akin na magaling siyang humalik at ako? Ni minsan hindi ko pa naranasan ang ganoon bagay? Bahagyang umangat ang balikat ko sa gulat nang bumukas ang pinto sa likuran ko. Iyon ang pinto na nagdudugtong sa kwarto nina Sir Arnold at Ma'am Beverly. "Oh? sorry... masyado bang napalakas 'yong pagbukas? Nagulat ka ata?" tanong ni Ma'am Beverly at bahagyang tumawa. Sumunod naman na lumabas si Sir. Arnold. "Ahm, hindi naman po," sagot ko saka tumayo. Mabilis kong sinulyapan si Sir Arc sa labas pero hindi ko na sila nakita doon. Siguro pumasok na sila sa kwarto. "Take your sit, Elayza," wika ni Sir Arnold saka ngumiti. Tumango naman ako. At muling umupo. Umupo naman si Ma'am Beverly sa upuan malapit katabi ni Sir Arnold. Sinimulan nila akong tanungin about sa personal information ko. "Bakit mo nga pala naisipang mamasukan ngayong nag-aaral ka pala ng college?" tanong ni Ma'am Beverly with a worried look. "Wala na po kasi akong tatay, si Mama naman labandera lang po tapos may isa pa po akong kapatid na nag-aaral sa high school. Na noong isang araw lang eh kalalabas lang hospital dahil natinik siya ng pako." "Oh? how is he? ok na ba siya?" tanong naman ni Sir Arnold. Tumango naman ako saka ngumiti. "Ok na. Salamat po sa pagpa-advance niyo sa akin. Nakatulong po iyon para sa makalabas 'yong kapatid ko sa hospital at mabayaran 'yong hospital bill." "Good to hear that. May balak ka pa bang bumalik ng college this semester?" tanong muli ni Sir Arnold. Umiling ako. "Hindi na muna po siguro. Siguro... mga next year na lang po ako babalik ng college. Mag-iipon na po muna ako ngayon." Tumango-tango ang dalawa. Marami pa silang tinanong sa akin pero ang isip ko ay lumilipad na sa malayo. I mean, sa moment kung paano ako titigan ng mga matang kahawig ng mata ni Sir Arnold. Bigla tuloy akong nakadama ng tense kapag natititigan ko ang mga mata ni Sir Arnold kasi pumapasok sa isip ko ang mga tingin sa akin ng anak niya. Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos din ang pag-uusap namin. Bumalik din naman agad ang dalawang mag-asawa sa kwarto habang ako naman ay tinatahak na hallway papunta sa hagdan. "Hey, maid. Come here." Napatingin ako sa likuran ko. Bahagya ko pang naitigil ang paghinga ko. Si Sir Arc ang tumatawag. Nakatayo siya sa labas ng kwarto niya a-at half naked lang. Tanging tuwalya lamang ang nakatapis sa ibabang parte ng katawan niya. Mabilis akong umiwas ng tingin sa parte ng iyan ng katawan niya at nag-fucos sa mukha niya habang naglalakad palapit sa kanya. Hindi ko magawang i-describe ang mukha niya kasi sobrang tensed talaga ako. Basta isa lang ang masasabi ko, younger version siya ni Sir Arnold. Nang makalapit ako ay hinagod niya muna ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Bago ka ba dito?"curios na tanong niya. Tumango ako. "Opo..." mahina kong sagot. "Come here..." he said as he wear his seductive smile. Napatingin ako sa kanya nang deretso. "P-Po?" G-Gusto niya akong papasukin sa kwarto niya? "Yes, kukunin mo lang naman 'yong maduming damit sa maleta ko at ilagay sa laundry area sa ibaba." I snapped back. "A-Ah... ok po." Niluwagan niya ang pinto ng kwarto niya pero nanatili siyang nakatayo sa pintuan. Nang makapasok ako ay napasinghap ako sa gulat. "Susmaryosep!" sunod-sunod na napa-sign of the cross ako nang makita ko sa kama ang babae na tulog na tulog at wala man lang saplot ang buong katawan. Arc Silvestre chuckled. "Are you a nun? o first time mong makakita ng magandang katawan na malayo sa katawan mo?" Napatingin ako kay Arc. Magsasalita sana ako sa kanya ng pabalang pero mabilis kong kinagat ang labi ko at napayuko na lamang. "S-Sorry sir," nakayukong wika ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Mabilis kong kinuha maduming damit ni sir na nakaplastic naman. Gusto kong kumaripas ng takbo papunta sa ibaba. Parang nagiging impyerno na ang kwarto ni Sir Arc dahil sa init dulot ng kaba at hiya na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD