Chapter 71 ARC Nagising ako sa kwarto ng isang pamilyar na unit. Sa unit ni Mommy. Halata sa design ng ng mga furniture ang mga antique prducts nito. Kung gusto mo ng mga antigong gamit for sure magugustuhan mo ito. Nafa-fascinate din ako sa mga antigong gamit pero hindi iyon ang unang naramdaman ko ng mga oras na yon kundi kirot ng ulo at sakit ng katawan. Pakiwari ko ay bahagyang namanhid ang katawan ko. Bago ko pa naisip kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako naroon ay napatingin ako sa pinto. Pumasok doon si Mommy na may dalang tray ng pagkain. Sabay kaming napatigil na dalawa. Pero si mommy din ang unang ngumiti. "Tamang-tama pala ang pagpasok ko. Gising ka na, anak." nakangiting sabi ni Mommy Hilda. Lumapit siya sa kama at siya namang pagbangon ko isinandig ko

