Chapter 42 ELAYZA Macaroni soup ang naisip kong ihain kay Sir Arc. Kumpleto naman ang rekado at iyon ang sa tingin kong mas madaling gawin. "Sure ka na kaya mo na 'yan?" tanong ni Manang Gigi nang tingnan ako sa kusina ng aming amo. Kaaalis lamang ng tubero na nag-ayos ng shower sa CR ni Sir Arc. Tumango ako at ngumiti. "Oo naman po." "Panigurado masarap 'yan. Inspired eh," tatawa-tawang sabi ni Ate Lara. Pinapanood nila ako sa paguluto. Napalingon ako kay Ate Lara at saka bahagyang natawa sa sinabi niya. "Sana nga po masarap 'to para magustuhan ni Sir Arc." "Ayiiie!" sabay tudyo ng dalawa. "Of course, masarap 'yan." Napatingin kami sa b****a ng kusina. Naroon si Sir Arc nakahalukipkip habang nakangiting nakasandig sa pader. Sabay na napasinghap sina Manang Gigi at Ate Lara

