ELAYZA Lumapit si Ate Lara sa akin at hinawakan ako sa balikat. Naikuyom ko ang kamao ko para pigilan ang luha na unti-unting bumalong sa aking mga mata. "Elayza... nararamdaman namin ang paghihirap mo," wika ni Ate Lara sa marahan na tinig. "Natural talaga 'yan. First time mo palang mamasukan eh. Lalo pa't bata ka palang. Noong kaedaran kita at namasukan din ako... naramdaman ko rin ang nararamdaman mo." "Nagmana kasi si Sir Arc sa Lolo niya. Masyadong dominante. Kaunting pagkakamali magrereklamo pag pumalpak ka sisigawan ka," dagdag naman ni Manang Gigi. Hindi ako nagsalita nakayuko lamang ako habang pinapakinggan sila. "Ang pinakaunang sangkap talaga ng katulong para tumagal sa trabaho ay sakripisyo. Kasi ginawa mo ito Unang-una dahil sa pamilya mo. Sila ang naging dahilan kung

