Chapter 3
Franki
"Diana, pwede mo ba akong samahan sa San Isidro?" Tanong ko sa kanya.
"Nako busy ako e, k**i pasensya na." Sabi niya sakin. "Ano bang gagawin mo don?" Tanong niya sakin.
"May bibilhin lang akong mga gamit." Sagit ko naman sa kanya.
"k**i kung ano mang bibilhin mo don baka naman mas mahanap mo yan dito sa atin. Bakit don ka pa mamimili?" Nagtataka namang tanong niya sakin.
"Kasi nga balita ko merong bagong kainan don. Aayain ko sana kayo ni Shy na kumain don. Alam ko namang pagod na kayo parati dahil sa pagtulong n'yo sakin sa pagpapalago ng Farm."
"Ano ba sinisingil kaba namin diba hindi naman kaya pwede bang wag kanang mag emote dyan." Naiiling na sambit nito.
"Kahit na nakakahiya parin no." Giit ko pa sa kanya.
"Ay, iwan ko sayo masyado kang madrama. Sige na nga kung aalis ka umalis kana bago pa tayo magka-iyakan dito." Pagtataboy naman niya sakin. "Oy! Wait lang pala. Itong tatandaan mo bumalik ka kaagad kong ayaw mong ma praning kaming dalawa ni Sky, sa kakahanap sayo. Isama muna pala si Mang Wealand, kasi alam n'ya ang lahat ng pasikot-sikot sa lugar na yon. Isa pa wag na wag karing pumunta sa Farm ng mga Villa Franko balita ko masama raw ang ugali ng Kiara Villa Franko na yon." Bilin nya pa sakin.
"Opo, Inay!" Natatawang sagot ko naman sa kanya.
"I'm not joking kaya wag na wag kang pumunta don. Dahil oemras na may ginawa siya sayo mapapaaway talaga tayo." Madiing bilin pa niya.
"Promise." Taas kamay na pangako ko sa kanya.
"Good! Sige na, bye."
"Bye." Paalam ko naman sa kanya.
Agad ko namang hinanap si Mang Wealand para samahan ako pa puntang San Isedro. Buti rin naman at nahanap ko rin siya kaagad.
"Mang Wealand." Tawag ko sa kanya.
"Oh! Ma'am Franki, ano pong ma ipaglilingkod ko sa inyo?" Usisa naman niya sakin.
"Magpapasama po sana ako sa inyo sa San Isedro ngayon. Meron lang po akong bibilhin." Ani ko sa kanya.
"Sige, ho." Sagot naman niya.
"Maraming salamat, Mang Wealand ipapahanda ko lang ang ating sasakyan sumunod nalang po kayo sakin." Bilin ko naman sa kanya.
Tumango naman siya sakin. Agad naman akong pumunta sa garahe at pinahanda ang kotsing sasakyan namib pa punta sa bayan ng San Isedro.
___
San Isedro
"Ma'am Franki, ano ho ba yung bibilhin natin rito?" Tanong niya sakin.
"Gusto ko sang bumili ng mga bagong kasangkapan para sa darating na anniversary ng pagkamatay ng Mama." Sagot ko naman sa kanya.
"Nako mabuti naman at dito mo napiling mamili dahil noon nabibubuhay pa ang Senyora dito n'ya rin gustong mamili parati." Kwento naman niya sakin.
Napangiti naman ako ng maalala ko kung paano kami mamili ng mga gamit at pagkain dito ng Mama. Ang dami kong masasayang alala sa kanya sa bayang ito. Palibhasa taga rito ang Papa kaya naman mahal na mahal ng Mama ang bayang ito tanda dahil sa Papa.
"Kaya nga po gusto ko rin ditong mamili." Nakangiting sagot ko naman sa kanya.
"Hali na po kayo Ma'am doon ho namimili ng mga gamit ang Senyora rati." Agad naman akong sumunod kay Mang Wealand.
Tama nga s'ya dito namimili ng mga gamit ang Mama dati. Agad rin naman akong namili habang si Mang Wealamd ay nakasunod lamang sakin na dala-dala ang mga gamit na pinamili ko. Marami akong nagustohang mga gamit na tiyak kong magugustuhan rin ng Mama kong sana ay nabubuhay pa siya ngayon. Pero kahit anong pagluluksa naman ang gawin ko sa biglaan niyang pagkawala ay wala rin naman akong magagawa kay mas minabuti ko na lamang noong magfocus sa trabaho at sa mabuting pagtitinginan namin ni Argel.
Si Argel nasaan na kaya siya ngayon. Naalala kona naman siya, hanggang ngayon wala parin akong balita kong nasaan ba talaga siya. Hindi kona alam kung saan ko s'ya hahanapin. Pero hindi ko parin siya susukuan.
"Ma'am Franki!" Tawag naman sakin ni Mang Wealand. Nagulat naman ako sa biglang pagtawag sakin nito. Agad naman akong tumingin sa kanya.
"Ma'am kukunin ko lang ho yung kotse dito nalang ho kayo. Masyado po kasing mainit kaya dito ho kayo susunduin." Sambit naman niya sakin.
"Sige, Mang Wealand." Sambit ko naman sa kanya.
Habang naghihintay naman ako sa pagdating ni Mang Wealand nag-ikot muna ako sa ibang mga tindahan pero hindi na ako lumayo pa sa pinag iwanan nito sakin.
"Ali, magkano po ito?" Tanong ko sa babaing nagtitinda ng lutong mais.
"Tatlo isang daan po Ma'am." Sagot naman niya sakin.
"Panili po ako siyam na peraso ho." Sambit ko naman sa kanya.
Agad naman niya ako pinagbalot ng mais. "Ito po yung bayad ko." Abot ko naman sa kanya.
"Salamat, po Ma'am." Nakangiting sabi niya sakin. Nginitian ko naman siya ng pabalik.
Babalik na sana ako sa pwesto kung saan ako iniwan ni Mang Wealang ng meron akong nakilalang lalaking kilalang-kilala ko.
"ARGEL!!" Gulat na sambit ko sa kanyang pangalan.
___
Kiara
"Mahal, saan kaba ng galing?" Naiinus na tanong ko sa kanya. "Alam mo naman yung kondisyon mo diba? Bakit kasi bigla ka nalang umaalis? Lahat ng tao rito hindi magkanda ugaga sa paghahanap sayo. Para nakong mababaliw sa pag-alala sayo, alam mo ba yon?" Inis na inis kong sumbat sa kanya.
"I'm sorry." Sagot naman niya. "Sumama lang naman ako kina Mang Banjo sa pagdeliver ng mga produkto natin sa bayan ng bayan." Ani Argel.
"What?" Galit na tanong ko sa kanya. "Bakit mo ginawa yon? Diba nga pinag-usapan na natin to, na hindi ka pwedeng umalis ng hindi ako kasama! Galit na galit kong sumbat sa kanya. Sabay tingin kay Mang Banjo.
"Pasensya na ma'am ayaw po kasing makinig samin ni Sir, pinilit po niya kaming pasamahin siya." Naka yukong sambit niya.
"Hindi ko matatangap yang rason mo Mang banjo, diba nga nakipag usap na ako sa inyong lahat! Nakiusap na ako sa inyong lahat pero oarang wala lang pala ang lahat ng sinabi ko sa inyo! Ni isa sa inyo walang nakinig!"
"Pasensya na po, hindi na po to mauulit!" Pangako ni Mang Banjo sakin.
"Hindi na talaga dapat na maulit pa to! Paano nalang kung merong nangyari sa kanya sa gitna ng byuhe n'yo!"
"Mahal!" Hawak sakin ni Argel. Galit namang tingnan ko siya. "Nanginginig ka." Gulat na sambit nito sakin.
Natigilan naman ako sa sinabi niya sakin. Nanginginig nga ako, hindi ko man lang naramdamang nanginginig na pala ako ng dahil sa subrang galit ko sa nangyari.
Hindi na pwedeng maulit pa to, paano nalang kong nakita siya ng mga taong naghahanap sa kanya. Hindi nila pwedeng mahanap si Argel baka kunin nila ito sakin. Ayokong malaman niyang hindi naman talaga kami magkasintahan at gawa-gawa ko lamang ang kasal raw namin.
"Mahal." Nag-aalalang yakap niya sakin. "I'm so sorry, please wag kanang umiyak. Promise makikinig na ako sayo, hindi na ako sasama pa muli kina Mang banjo pa bayan." Pangako niya sakin.
"Wag mo nang uulitin yon, hindi ko alam kong anong gagawin ko kapag may nangyari sayong masama." Naiiyak na sambit ko habang naka yakap sa kanya.
"Promise!"
"Thank you, i love you so much."
"And i love you too." Sagot niya sabay halik sa noo ko. "Sige na Mang Banjo, pasensya na sa ginawa ko." Sambit nito kay Mang Banjo.
"Mauna na po ako Ma'am, Sir. Pasensya na po ulit Ma'am." Paalam nito saka umalis.
"I'm sorry again, mahal." Sambit nito. Tumango naman ako. "Basta wag mo ng uulit yung ginawa mo. I'm sorry too because i freakout. Bati na tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah, bati na tayo." Natatawang sambit niya. "I love you."
"I love you too, so much!" Buong pagmamahal na sambit ko sa kanya.
Hinding-hindi ko hahayaang makuha kanila sakin. Akin ka lang!
___
Next...