KABANATA 2 - KETIKS -

1108 Words
MARIANE Cring! Cring! Cring! Tunog nang bell na hudyat na maguumpisa na ang klase namin sa pangalawang subject namin ni Arziel. Napabitaw ako ng yakap sakanya at sinabi na malalampasan niya din ang problema niya. May mga bago kaming kaklase na kasama ng aming Instructor na pinakilala sa amin. Sila Christina Mendoza, Angela Cortez, Nessa Alvarez at si Joy Lleones. Mga bago naming kaklase na tingin namin ni Arziel ay may malalakas na kaltok at saltik sa ulo. Itsura palang nila mukha silang mga maldita na maarte. Nagulat nalang kami ni Arziel na sa amin sila lumapit at nakigrupo. Nahiya pa kami noong una pero hindi nagtagal ay nakapalagayan na namin ang loob nang isat'isa. Matapos ang klase namin sabay sabay kami nagpunta sa canteen para kumain at makapagkwentuhan. "Mariane and Arziel sana maging magkaibigan tayo kahit sa isang taon nalang tayo magsasama sama."Wika ni Angela na may maamong mukha. "Mababait maman kami si Christina lang ang duda ako, kasi minsan may sumpong yan, sala sa init sala sa lamig."Natatawang wika ni Joy. "Hoy! Babaeng malaki ang dibdib hindi ako ganun, sadyang kapag hindi ko feel ang kausap ko, tahimik nalang ako kesa makapagsalita ako nang hindi maganda makasakit pa ako wala pa naman preno ang bibig ko."Sagot naman ni Christina. "That's why I like you Tina."Sagot naman ni Nessa. "Maganda sana kong meron tayong tawagan at pangalan nang grupo para maganda ano sa tingin niyo?Tanong ni Arzriel. "Since may kanya kanya tayong saltik sa ulo at mga baliw din mukhang magkakasundo nga tayo. Bakit hindi nalang TSUPATID ang tawagan natin. Ano sa tingin niyo?"Tanong ko sakanila. "Gusto ko yang naisip mo tsupatid."Sagot ni Angela. "SIGE!" Sabay sabay naming pag-sang-ayon. "Isip naman tayo nang pangalan nang grupo. Ano kaya maganda"Wika ni Nessa na nag-iisip. Biglang dumaan si Drake sa harapan namin nang hindi namin napapansin. Kilig na kilig naman si Joy at Christina dahil sa mga kasama ni Drake na nag gwagwapuhan. Animo kiti kiti dahil sa pagka-kilig dahil nakakita nang gwapo. "Alam ko na kong ano ang pangalan nang grupo natin."Saad ko sakanila Since parang kiti kiti kanina si Joy at Christina. "Kiti, kilikili."Bulong ni Nessa na rinig namin. "Yuck! Nessa wag kana ngang magsuggest ang bantot."Wika ni Christina na sinamaan nang tingin ni Nessa. "Saltik at sira ulo + Kiti kiti kong kiligin."Ani ni Joy. "Bingo" komento naman ni Angela. Mukhang may magandang naisip. "What?" Maarting wika ni Arziel. "Approved ba sainyo yung " KETIKS"?Tanong ko sakanila. Nakita ko nag mga ngiti nila sa mukha at sabay sabay na nagsabi. "APPROVED!" Masaya ang naging takbo nang paguusap namin sa unang araw na pagkakakilala namin. Ang lalakas din pala nila mang-asar at literal na may mga sayad sa utak pero in a nice way naman. Nag-kayayaan agad kami mag bar ng mga KETIKS. Pa welcome namin sa aming pagkakaibigan dahil ito ang simula nang aming maayos at maboteng paguusap. Sa bote nang alak daw namin daanin ang paguusap, mga loka loka talaga lalo na si Christina grabe ang harot at ang bibig ayaw prumeno kahit mga dumadaan na estudyante pinagtritripan. Tawa kami ng tawa habang si Angela hindi na maipinta ang mukha dahil sa gingawang kahihiyan ni Tin. Maging si Joy ay game din wala din tulak kabigin kong anong kinaganda niya siyang gaspang nang kilos niya naloloka ako sa mga bago naming kaibigan ni Arziel o nasanay lang kami na tahimik kami kaya naninibago kami. Matapos ang klase namin ni Arziel nakita namin ang mga bago naming kaibigan na sina Angela, Nessa, Christina at si Joy sinalubong nila kami nang isang mahigpit na yakap na akala mo ang tagal naming hindi nagkita, samantalang ilang oras lang naman simula nang maghiwahiwalay kami. Sa kotse nalang kami sumakay lahat ni Christina dahil ito ang medyo malaki na kasya kaming lahat. Habang nasa biyahe kami ay panay biruan at tawanan namin sa kotse dahil sa pagpapatawa ni Nessa at ni Joy. Pagkarating namin sa bar kumuha agad kami nang magandang pwesto para naman mabilis kami makasayaw at makahanap nang papabol. Panay ang order ni Joy nang mga drinks namin kapag alam niya na mauubos na ay ooder nanaman siya maging ang mga chips at ibang pulutan. Nang lumalim ang gabi at kapwa may mga tama na nang alak ang iba sa amin. Sinabi ni Angela na mag truth and dare kami. Noong una ay ayoko pumayag pero sa kalaunan ay pumayag na din ako dahil ang dami nila, samantalang ako ay nag-iisa lang maging si Arziel ay napapayag nadin sa gusto nang mga KETIKS. Sinimulan nang paikutin ni Christina ang bote at unang tumapat ito kay Arziel. "Truth or Dare?"Tanong ni Christina kay Arziel. "Syempre Dare!" matapang na sabi ni Arziel. "Nakita mo yong guy sa dulo na nakatalikod, hmmm kiss mo siya nang isang minuto sa labi."Wika ni Christina kay Arziel. Mabilis na pumunta si Arziel sa itinuro sakanyang lalaki at bigla niya nalang ito hinalikan nang hindi niya tiningnan ang itsura. Matapos niyang halikan ang lalaki laking gulat ni Arziel na makita niya ang kuya niya. Gulat na gulat siya na makita ang kuya niya na matiim na nakatingin sakanya. Dahil sa hiya mabilis siyang bumalik sa pwesto nilang magkakaibigan. "s**t! Si Kuya ang nahalikan ko, yari ako sa bahay neto mamaya."Wika ni Arziel. Pinaikot ni Arziel Ang bote at tumapat iyon kay Christina. "Dare!"Sagot ni Christina na excited pa. "Sayaw ka nang dirty dancing sa gitna nang dance floor." Utos ni Arziel na agad naman ginawa ni Christina. Tuwang tuwa ang mga nasa dancefloor sa ginawa ni Christina dahil napagaling nang pagkakasayaw niya sa gitna at lahat nang mga kalalakihan ay nakuha niya ang atensyon. Pagtapos ni Christina ay siya naman nagpaikot at tumapat sa akin. Gulat pa ako na sabay sabay silang nakatingin sa akin. "Mariane, truth or dare?"wika ni Christina sa akin. "Dare!" Wika ko sakanila. "Kong sino ang unang papasok na lalaki diyan sa entrance ay yayakapin mo sabay halikan mo."Utos ni Christina sa akin . Inabangan namin kong sino ang unang papasok na lalaki sa entrance. Nakita namin ang isang lalaki na sa tingin namin ay suplado. Nilapitan ko ito at niyakap, nagulat pa siya sa ginawa ko kaya bago bumalik sa wisyo ang lalaki mabilis ko agad siyang hinalikan at sabay balik sa pwesto namin. Nakita ko pa ang pagkunot nang noo nang lalaking hinalikan ko. Dahil mga lasing na sila Nessa at Angela ay napagpasyahan na namin umuwi. Nagulat nalang kami nang hatakin ng kuya ni Arzriel si Arziel. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa Kuya niya. Ako naman ay hinatid nila Christina sa bahay. Pagkatapos ay umuwi nadin sila sakanilang bahay pagkahatid sa mga kaibigan namin....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD