MARIANE Graduation day namin ni Arziel ngayon sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Management. Masaya kaming dalawa dahil sa wakas ay ito na ang pinakahihintay naming dalawa para maisakatuparan ang aming plano ang sumali sa Hilarious Flower Organization. Nakausap ko na si Boss Kiray Marchette tinawagan ko ito gamit ang calling card na binigay niya sa akin at sinabi ko na tinatamggap ko na ang alok niya na maging isa sa kanila. Sinabi ko din sakanya na kong maari ay makasama ko ang kaibigan ko na si Arziel sa pag-tratraining tulad ko ay may gusto din patunayan sa sarili. Mabuti na lamang at pumayag siya sa hiniling ko sakanya. Mabait naman siya kausap. Pinangako niya sa akin na oras na makapasok ako sakanilang grupo ay tutulungan niya ako na mahanap si Marie

