Carlo’s :POV Pagkapasok namin sa kwarto, halos sabay kaming napabuntong-hininga. Tahimik ang buong bahay, parang kami lang ang gumagalaw sa mundong iyon. Amoy ko pa ang alak sa hininga niya, ramdam ko rin ang pagod sa balikat ko, pero mas nangingibabaw ang init na unti-unting bumabalot sa pagitan naming dalawa. Umupo si Elize sa gilid ng kama, nakayuko, parang nag-iipon ng lakas ng loob. Lumapit ako, dahan-dahang umupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa mga pinagdaanan namin nitong mga araw, pero bigla siyang naging mas totoo sa paningin ko—mas malambot, mas tao, mas madaling mahalin. Hinawakan ko ang mukha niya, marahan, parang natatakot akong mabasag. “Pagod ka na,” mahinang sabi ko. Umangat ang tingin niya sa akin. Namumungay. “Hindi naman po, sir…” Hindi k

