Chapter (7) Masakit na katutuhanan

1159 Words

Carlo's:POV May malamig na hangin na dumadampi sa balat ko, pero hindi ako sigurado kung nananaginip pa ba ako o gising na. Para akong lumulutang, parang nasa ilalim ako ng tubig, at may mga boses na mahina pero hindi ko maintindihan. Tapos, may biglaang liwanag. At sa isang iglap, humigop ako ng hangin na parang ngayon lang ako nabuhay. Napakabilis, napakasakit. “Carl? Carl! Anak?!” Isang boses na hindi ko malilimutan, kahit kailan.Si Mommy. Dahan-dahan akong nagmulat. Puting kisame. Ilaw na sobrang liwanag. Amoy alcohol. May tunog ng makina na tumutunog sa tabi ko. Hospital? “M-Mom…?” Basag ang boses ko. Hindi ko halos makilala. Lumapit siya agad, nanginginig, hawak-hawak ang kamay ko na parang mawawala ako ulit. “Anak… Diyos ko. Carl, anak… nagising ka.” Umiyak siya, hindi map

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD