3RD :PERSON POV “Paanong nangyari na ’yan lang ang budget na dumating? Supposed to be times two, dahil ’yon ang ibinigay ko!” galit na sigaw ni Rivas sa kanyang barangay treasurer. “Kap, pasensiya na po. Ito po ang dumating kahapon na final records, at tanging ang provincial government lang po ang mamimigay. Ipahanda na raw po ang mga lugar na dadausan ng payout base dito sa note ng mayor. Kasya lang naman po ito sa lahat ng nasasakupan, Kap. Wala naman pong problema,” inosenteng sagot nito. “Sabihan mo ang mga tanod. Wala akong pakialam sa payout na ’yan! Mga mukhang pera ang mga taong ’yan!” galit na lumabas ng barangay hall si Rivas habang dinadampot ang kanyang cellphone. “Hello, magkita tayo sa hideout ni Bossing,” tanging sambit ni Rivas. “Copy. Tatawagan ko rin si Mansala. Hind

