THIRD :PERSON POV “Move! Move!” senyas ng Hepe sa mga kasamahan niyang pulis nang makababa sila sa patrol car. Sabay-sabay silang pumasok sa boundary ng abandonadong lugar, mga katawan ay nakayuko, mga mata’y alerto sa bawat galaw sa paligid. Tahimik ang paligid ngunit mabigat ang tensyon isang maling hakbang lang, at puwedeng sumabog ang lahat. “Hijo, sa sasakyan ka lang,” utos ng Hepe kay Chito, na nakisabay pa rin sa paglusob. “Kaya ko,” sambit ni Carlo, sabay bunot ng kanyang revolver. Napaangat ang kilay ng isang pulis. “Hindi ka pwedeng gumamit ng ganyan!” saway ng Hepe. Hindi sumagot si Chito. Kinuha niya ang wallet at tahimik na ipinakita ang kanyang ID. “NBI agent ka?” gulat na tanong ng Hepe. Hindi pa rin siya makapaniwala ang lalaking madalas nilang makita na nakamotorsik

