THIRD-PERSON:POV Mabigat ang hangin sa loob ng pribadong sementadong bodega na ginawang lihim na kwarter ni Congressman Ariston Bustamante. Madilim ang paligid, tanging ilaw lamang mula sa isang industrial lamp ang kumikintab sa mahabang mesa kung saan nakahilera ang mga baril at ang mga alak, at kahon ng bala, at mapa ng buong munisipyo. Sa labas, humuhuni ang malakas na makina ng mga generator, na tila inuulit ang ritmo ng galit ng naghihimutok na politiko. Nakatayo si Bustamante sa gitna ng silid, suot ang puting polo barong na bahagyang gusot dahil sa pagpupuyat. Nakapulupot sa kanyang daliri ang mamahaling rosaryohan na ginto, hindi bilang simbolo ng pananampalataya, kundi isang simbulo ng kapangyarihan. sa kapangyarihang pinaghahawakan niya. Tulad ng dati, malamig ang kanyang titi

