CHAPTER 49: Deal “Alien!” sigaw ko at hinabol siya. “Deal?” Napa-iwas ako ng tingin nang sabihin niya iyon. Nakakahiya nga kung makikipag-deal ako sa tulad niya pero wala akong magagawa. Kung gaano man sila ka-close ni Liam ay baka mas malaking ang chance na mapapansin agad ako ni Liam. “Sasamahan mo ako sa Youth camp then ako na ang bahala kung ano man ang gusto mo ipagawa,” seryoso niyang paliwanag ulit. Ang pangit naman kasi sumama sa Youth camp at ang mas malala pa hindi naman ako marunong magrosaryo. “Deal?” may halong inis na tanong niya ulit. “Nagmamadali ka may lakad–” “Mom, is forcing me to go and attend the Youth camp. Then if you don't want to go maybe–” “Hindi ka uuwi sa inyo?” Para 'yon lang hindi na agad siya uuwi sa kanila p'wede niya naman siguro sabihin

