CHAPTER 23: Mike v.s Kylla
“Masyadong makapal ang mukha mo. Kilala ka namin kaya hindi mo na kailangan sabihin pa ang pangalan mo. Team Q kami kasali sa Alphabet team,” seryosong pagkakasabi ni Kylla. “Magkalaban ang bawat isa na grupo kaya hindi ka p'wedeng humingi o magtanong kung may cookies pa si Bianca.”
Mabilis kaming tumayo ni Bianca at inawat si Kylla para kasing balak niyang patayin ang Mike na 'to.
“Kylla, classmate natin siya.”
“Kylla, 'wag mo siyang ganyanin isa na siya sa mga customer natin para sa cookies produc–” Napatigil naman ako sa pagbulong sa kaniya ng tumalikod si Mike.
“Well, the truth is–”
“Alam ko pero hindi ka nakatulong no.. ano ang iisipin ng iba na nagbebenta kami ng masarap na cookies para manalo? Para magka ups-points?” pambara ni Kylla kay Mike.
Narinig naman namin ang tawanan sa kabilang upuan.
“Good Kylla, I'm proud of you but too slow!” Ma-arte na sabi ni Kate isa sa mga pa-famous.
“Huwag na kayo mag-away, Kylla,” paglalambing ni Bianca.
Napasilip naman ako sa likuran ni Mike ng humarap siya ulit. Tama, si Mike lang ang familliar na classmate namin. Sino kaya ang dalawa na kasama niya.
Napa-iwas agad ako ng tingin ng tiningnan ako ng isa sa kanila. Umupo na ulit si Kylla sa upuan niya katabi ni Bianca. Ako naman na nasa likuran nila ay nanatiling nakatayo.
“Ang sungit,” rinig kong sabi pa ni Mike at bumalik sa upuan niya.
“Teka, lang saglit. H-hindi ba ikaw 'yong ano ni–”
“Shut up!” nakakatakot na sigaw ni Kylla sa akin kaya napaupo agad ako at nag peace sign na lang.
Masungit nga talaga si Kylla pero tumawa pa ako at sinundot siya mula rito sa likuran. Hindi kaya nagseselos lang siya dahil cookies ang gusto ni Mike.