CHAPTER 20: Spoiled
Wala namang akong nagawa nang kinuha ni Sean ang mga gamit ko at walang ganang umakyat sa hagdan. Nagpaalam naman ako at agad sinundan si Sean.
“Ito ang magiging kuwarto mo at ayaw ko nang maingay,” paliwanag niya.
Umalis na agad siya at hindi man lang ako nakapagsalamat. Ang sungit n’ya samantala ang daddy n’ya malayo sa kaniyang pag-uugali. Humiga na ako sa kama.
Nakagising ako sa lakas ng katok sa kuwarto, hinanap ko agad ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na. Laking gulat ko na mag 8:00 o’clock na ng gabi.
Naalala ko tuloy na hindi pa kami tapos mag-usap ni Mr. James at hindi rin pa ako nakapagpasalamat.
“Gusto ni Daddy sumabay sa 'yo kumain lumabas ka na riyan!” rinig kong sigaw ni Sean.
“Oo, susunod na ako!” sigaw na sagot ko rin sa kaniya.
Sinuklayan ko muna ang buhok ko at tumingin sa salamin. Pinagmasdan ko ang loob ng kwartong ito.
Parang sobra naman ang pagtulong nila. Nakakahiya tuloy parang hindi ako katulong rito.
Napahinto ako nang makita sila sa dining area. As usual masungit pa rin ang itsura ni Sean at bigla namang kumaway sa akin ang Daddy niya. Kahit man nahihiya ako ay pilit na lang din akong lumapit at umupo sa bakanteng upuan.
“U-uhm..o-okay lang po na sumabay ako sa inyo?” nahihiya kong tanong.
Hindi ako sanay kung ganito kabait ang magiging amo ko.
Tumawa lang ng malakas si Mr. James pero napatigil naman ito ng suwayin ni Sean.
Sumenyas lang ito na magsimula ng kumain at hindi na sinagot pa ang tanong ko.
“M-Marami pong salamat...”
Kahit naman nahihiya ako ay wala na akong nagawa. Ramdam kong kumakalam na ang sikmura ko kaya nagsimula na akong kumain.
Tahimik lang akong kumakain habang sila ay nag-uusap ni Sean at nagtatawanan. Nakakahiya man pero hindi pa ako nabubusog. Ang sarap ng mga pagkain na nasa harapan ko.
“Iha, sana tumagal ka rito.” Nabulunan naman ako sa sinabi ni Mr. James.
Naguguluhan kong tiningnan si Sean habang sinusuway niya ang kaniyang Daddy.
“A-ano pong ibig niyong sabihin s-sir?” nauutal na tanong ko na ikinatawa lang nito.
“Matigas ang ulo niyang si Sean, iha. Hindi tumatagal dito ang mga estudyanteng tinutulungan ko sa kanilang pag-aaral at sana tumagal…”
“Dad!” suway ni Sean.
Marami pang sinabi ang Daddy niya pero hindi ko na iyon pinakinggan. Pinagmasdan ko si Sean na tahimik lang at masamang nakatingin sa Daddy niya.
Napa-iwas naman ako ng tingin ng lumingon sa akin si Sean at tinignan rin ako ng masama.
“I want you to be good to her, Son.”
“N-No, Dad! Mauna na ako sa inyo…”
Napa-awang lang ang bibig ko sa inasal ni Sean. Agad namang tumahimik ang Daddy niya.
Pero bago pa man makaalis si Sean ay tumayo na ako.