“Mas maganda ito, Kylla.” “Pumili ka ng sa'yo, ayaw ko nyan!” Ibinalik ko na lang ang hawak kong dress. “Hey, maybe you want this?” alok ni Chelsea kay Kylla. Puro kasi siya reklamo kaya naisipan naming tulungan siya sa pagpili ng kanyang isusuot para sa birthday ni Bianca. Umiling na naman si Kylla at inirapan pa si Chelsea. Siguro ganyan siya kasi isinama ko si Chelsea at nalaman niyang kaibigan ko na ito. Marami ring nagawang hindi maganda si Chelsea sa kaniya kaya hindi ko siya masisisi. “Sofi, let's go somewhere..” bulong sa akin ni Chelsea. Agad naman niyo akong hinila at iniwan si Kylla. “Bakit? Saan ta–” “Can I choose a dress for you?” nagpa-cute pa siya. “Ummm...okay lang pero 'yong kaya lang ng buls–” “Don't worry, I'll got you!” kumindat siya at hinila na a

