“Sofia! We're here!” Nagmadali ako ng marinig ko ang sigaw ni Bianca. “Ma, mauna na po ako–” “Kumain ka muna anak,“ sabi ni mama. Kinuha ko ang tatlong sandwich at inilagay ko sa bibig ang isa. “Hindi na po ma, nandyan na sila Kylla. Nagbaon po ako ng sandwich. Bye ma!” Hindi ko hinintay ang sagot ni mama at mabilis na lumabas ng bahay. Kotse nila Kylla. Sumakay agad ako at tumabi sa kanilang dalawa sa likuran. “H-Hi, po tita...” bati ko sa mommy ni Kylla. Hindi pala sumama si Kyline. “Nga'yon ka na lang ulit sumabay sa amin, how are you?” tanong nito. Hindi ko alam ang sasabihin ko, tiningnan ko si Kylla pero busy sila ni Bianca. Ewan ko kung ano pinag-uusapan nila. Should I say na hindi kami bati ni kylla kaya hindi ako sumasabay noon? “Uhmm.. hinahatid po ako ni Ku

