CHAPTER 02.1

1017 Words
CHAPTER 02.1: Kylla Saavedra Pag-uwi ko sa bahay walang sukli si Mama sa wallet niya kaya hindi ako nakabalik sa store pero kukunin ko pa rin 'yung isang libo. Ang swerte naman ng tindera na 'yun kaya dapat lang na kunin ko. Mabuti nga at hindi na rin hinanap ni Mama 'yung sukli. Ang saya may 5,000 na ipon na ako. Mabuti rin at hindi ako naisipan habulin ng lalaking 'yon. Hindi naman ako ginugutom nila mama pero ewan ko kung bakit nagiging kuripot ako. Maybe I can use my money in the future. Kinakabahan ako at medyo na-e-excite, malapit na ang Monday and the most awaited activity for Alphabet Team will going to start. Laban na 'to! May practice kami mamaya mga 4 o’clock sa bahay nila Kylla at kailangan ko muna magpaalam kay Mama. Nakita ko si Kuya sa may sala at walang pinagbago busy pa rin siya. Lagi naman eh! Isang Engineer si Kuya at may bago raw siyang project. Si Papa naman ay manager ng isang kompanya sa ibang bansa. “Kuya, where's mom?” Hindi niya siguro ako narinig at hindi ko na lang siya iistorbuhin. Lumabas ako sa bahay at baka nasa labas si Mama. Nakita ko nga siya nagdidilig ng halaman. Ayaw ni Daddy na magpakuha ng maid, gusto niya raw matuto kami sa mga gawaing bahay pero si Mama ang kawawa dahil siya lahat ang gumagawa. Lumapit ako kay Mama at niyakap siya sa likuran. Hindi niya ako pinapansin at nagpapatuloy lang siya sa pagdidilig. “Ma…” Lambing na bulong ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako pinapansin. “Hindi gagana sa akin 'yan! ” “Ma, saglit lang naman ako. Sige, na po!” Pagmamakaawa ko. Alam na alam talaga ni Mama kung bakit ko siya nilalambing. “Uuwi naman po ako nang maaga at ihahatid naman nila ako.” Nakayakap pa rin ako sa kaniyang likuran at wala akong planong bumitaw hangga’t hindi siya pumapayag. “Magpaalam ka muna sa kuya mo!” “Busy po si Kuya at hindi 'yon papayag. Ma! Sige na po!,” pangungumbinsi ko. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya nang marinig ko ang mahinang niyang sinabi. “Ma! I hate you po!” sigaw ko at umalis. Kakausapin ko na lang si Kuya then if hindi siya papayag ay kukulitin ko siya. Nakakainis si Mama pinapili niya ako kanina, magpapaalam daw ako or isasauli ko 'yung sukli. Mas matigas 'yung ulo ni Mama kaysa sa akin kaya wala akong magawa kundi magpaalam kay kuya. Sana huwag niyang sabihin kay daddy na nag-iipon ako ng pera. Nasa sala pa rin si Kuya at naka tutok sa loptop niya. Alam kong mapapagalitan ako pero kaya ko ito. “Hmm…K-kuya,” mahinang tawag ko sa pangalan niya pero hindi niya siguro narinig. “K-kuya…” Hindi niya pa rin siguro ako naririnig. “Kuya.” “Kuya..”Alam kong naririnig niya lang ako at nagkukunwari lang siyang bingi. “Kuya!” sigaw ko. Hindi niya pa rin ako pinapansin siguro alam niya kung bakit ko siya kinukulit. “Sofia! Learn how to respect!” Mahina at maautoridad na sabi niya. “Pansinin mo rin kasi ako! Hindi naman sana kita iistorbohin kung hindi utos ni mama,” malungkot na sabi ko sa kaniya. Ito ang ayaw ko sa lahat 'yong may maganda ka ng trabaho then lagi kang magiging busy at wala ng time sa family. Umuwi si Kuya dito para makasama kami pero kung ganito na naman siya, sana magsama na lang ulit sila ni daddy. Hanggang ngayon nga hindi ko alam kung anong gusto kong trabaho, magka-college na ako next year. Siguro mas gusto kong nasa bahay lang, p’wede naman siguro kung hindi na ako mag-aral ng college. Tiningnan ako ni Kuya nang nakataas ang isang kilay at parang pinapahiwatig niya kung anong sasabihin ko. Bago pa ako makapagsalita ay inunahan niya na ako. “Bahala ka! Dito ka nga lang sa bahay puro ka lakwatsa!” sabi niya. “Sumbong kaya kita kay papa at para tumino ka!” Alam kong inaasar niya lang ako kasi hindi naman siya nagsusumbong kay daddy. “Luis Manzano! Pupunta ako kina Kylla sa ayaw at sa gusto mo!” sigaw ko sa kaniya. “Sige, na! Pumunta ka na pero counted!” Umalis ako at pumunta sa kwarto ko para magbihis, bahala siya. Siya si Luis Ferrer at inaasar ko siya na Luis Manzano. Sabi niya counted, ano naman kaya ipapagawa niya sa akin? Ang daya! Pero mabuti na 'yon atleast pumayag siya. Bumaba ako at tumakbo palabas, mahirap na kung magsalita siya at baka magbago ang kaniyang isip. Pinuntahan ko muna si Mama sa likod ng bahay. “Ma! Kumuha po ako ng 50 sa wallet niyo!” malakas na sigaw ko kay Mama. Lumabas na ako at naghintay ng taxi. Excited tuloy ako! Sa tuwing pumupunta ako sa bahay ni Kylla hindi ko talaga maiwasan hindi tumingin sa mga bahay na nadaanan ko. Dito rin kasi nakatira si Liam at baka makita ko siya. Bumaba na ako ng taxi at nagbayad. Nag-doorbell ako at si Bianca ang lumabas para buksan ang gate. Nauna siya sa akin. “Ang tagal mo?” bungad sa akin ni Bianca. “Ang hirap kasi kumbinsihin si Mama,”sagot ko. Pumasok na kami sa loob at nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Kyline. Nakababatang kapatid siya ni Kylla. “How are you,” tanong ko sa kaniya at niyakap pabalik. “I’m fine but Ate is still mad at me,” malungkot na sabi niya. Laging pinapagalitan ni Kylla ang kapatid niya kasi ang kulit daw nito kahit naglalambing man lang si Kyline. Mabait naman ang kapatid niya pero hindi ko din mapigilang hindi mainis sa batang ito. “You know, Ate Sofi…” At ito nagsisimula na nga siya. Dakilang madaldal 'tong batang ito. Sinundan ko na lang si Bianca sa practice room at sinusundan din ako ng batang ito. “Lumabas ka nga! Gusto mo paluin kita” pananakot ni Kylla sa kapatid nang makapasok kami sa practice room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD