Kinabig ko ang pinto ng kotse, tila napalakas pa ang pagkabig ko dahil sa pagiging tensyonado. Wala namang caffeine sa kape na ininom ko pero hindi ako mapakali, kinakabahan, nanginginig ang mga kamay at nahihilo. Napakapit na lamang ako sa aking ulo at hinilamos nang paulit-ulit ang aking mukha. "f**k!" ang tangi ko na lang nasambit nang hampasin ko ang manibela ng sasakyan. Nagagalit ako, nalilito...nalulungkot. Ano bang iniisip niya? Na ganoon na lang kadali ang lahat? Na pagkatapos ng isang taon gano'n gano'n na lang 'yon? Naiinis ako...naiinis ako sa kanya. Pero mas naiinis ako sa sarili ko. Dahil nasa sitwasyon ako ngayon na alam kong mas magiging magulo. Napatingin na lamang ako sa gilid ng aking sasakyan. Kinapa ko ang lalagyan sa gilid ng pinto. Naroon ang iniabot sa akin kanina

