Halos gawin nang pantakip ni Jen ang aking panyo para lamang ipunas sa kanyang luha. Naiwan naman akong tulala habang nakayuko, muling titingin sa mamula-mulang sinag ng araw, sa lawa ng Taal at muli ay sa kanya. "Alam niya," sambit niya habang gumagaralgal pa ang kanyang boses. "Alam niya, na pumunta ka. In the end, she wanted to see you. In the end, ikaw pa rin ang pinili niya," dagdag ni Jen. Napakunot na lamang ako ng noo at naghintay ng sunod niyang sasabihin. "It was your birthday, it was the only thing that she can do for you, to move our schedule. Hindi...hindi nga dapat gano'n ang nangyari." Tila lalong naging malabo ang mga sinabi ni Jen. "Hindi ginusto ni Charmaine na gumawa ng eksena si Jerick. Kahit may pagkamataray siya, hindi niya gawaing mamahiya ng tao. Ginawa niya 'yo

