Kabanata 9

4648 Words
You're welcome. Good night rin. I smiled after I send to him my reply. Basta ko na lamang nilapag ang aking umaga at gumayak sa pag pasok. My weekends spent all of the times sketching and minding my plates. Wala namang bago, at usually ko lang na routine sa pang araw - araw. Hindi narin ako masyadong tinawagan ni enzo but he texted me a lot, and infroming me all the time kung ano ang kaniyang ginagawa. Zaimon didn't usually text me at weekends. Siguro, nag aaral rin siya katulad ko. Wala naman na siyang ipapagawa sa'kin, dahil nasa kaniya kaniyang bahay narin kaming dalawa. In just a weeks, that I've been with zaimon. I think he's a good person naman. Sana maging kaibigan ko siya just like my other guy friends. I judged him easily, even tho I didn't know about all of him. Lahat naman tayo ay mag ganuon na pananaw. Sa kalagayan namin ay, sa una nag away kami. Dahil nga suplado siya, and i didn't even know why he's doing these setup on us. Still the task that I've to do, ay tuparin. Na kailangan kong makuha sa kaniya 'yung mga videos. After that, we can be friends? Siguro. I hope, he'll not cross the line. -- From: Zaimon dvl. Studio. Buy some drinks and snacks. Napanguso naman ako matapos sumilip sa'king phone. Ilang minuto na lamang ay mag eend na ang early class. Ilang minuto lamang, natapos narin ang klase. Kinalabit ako ni mae sa'king gilid. "Tara lunch?" Umiling ako. "May pupuntan pa kasi ako, baka susunod nalang ako promise" i smiled. Alangan naman niya akong tinignan bago umirap. "Text me okay?" Aniya. Tumango ako sa kaniya bago tumayo sa'king kinauupuan. Nilingon ko naman ang iilang kaklase namin na usually naming kasama palagi. Nag aayos na silang lahat ng gamit nila. "Sunod nalang ako!" Saad ko ng mapatingin sila sa'kin. Kumunot ang noo ni tiffany. "Saan ka na naman?" Napalunok ako. "Kikitain ko lang si ano, si enz!" Her eyebrows furrowed. "Napapalagi ah?" Natahimik ako at nag isip ng panibagong idadahilan. When it comes with these, wala na akong takas dahil ramdam kong anytime malalaman nila ang about sa'min ni zaimon. "Oo eh, ganon talaga pag bumabawi.." I chuckled. Ngumiwi naman siya at nag iwas ng tingin. "Saan kaba pupunta? Mag pahatid ka kaya sa pinsan mo?" Agad akong umiling, lalong lalo na si gary, as much possible ayokong malaman nilang lahat hanggang sa matapos na lamang ito. "Hindi na, kaya ko na 'to, baka may ginagawa din 'yon eh.." nag kibit balikat na lamang si tif. "Sabay ka nalang sa'ming lumabas o mauuna kana?" I gripped on my bag. "Mauuna na ako, ingat kayo, I'll text mae later kung makakaabot pa ko.." They nodded. Sumenyas pa si mae sa'kin ng pag tawag gamit ang kaniyang kamay. Natawa naman ako ng bahagya at tumango bago silang iniwan. Sooner this set up will end. Hangga't maari'y hanggang sa matapos nalang, huwag na sana nilang malaman, o kaya'y kung malalaman din nila'y tapos na. May iilang nakasalubong ako na kaibigan ni gary, it looks like he's not around kaya hindi kona inalam kung nasan siya. Tumango at nginitian ko na lamang ang mga ito. When i finally arrive where I'll buy their foods and drinks. Inabot ko na ang aking bayad. "Thank you.." i said. Napapikit ako ng bahagya dahil sa singa ng araw. Narito na ako ngayon sa gilid ng kalsada, waiting for jeepney to passed me by. From: bb siomai Morning, what are you doin'? Napangiti ako bago mag tipa ng reply sa kaniya. To:bb siomai Morning, labas ng campus may bibilhin lang po ng pagkain. Enzo always updating me, kung hindi naman ay hinahayaan ko nalang, dahil ayoko naring makaabala sa kaniya at baka mag away kami. These past few weeks, kada linggo ay nag aaway ata kami, kaya hangga't maari hindi ko nalang tinatanong at sinusumbat kung anong ginagawa niya. He always messages me, minsan hindi tamang oras dahil mag tatanghali na kagaya ngayon lang siya nag good morning sa'kin. However, it's understandable though. "Calumpit na may bababa d'yan?" Sigaw ng jeepney driver. Tinago ko ang aking phone bago mag salita pabalik. "Meron po manong!" "Meron daw ho.." pag pasa ng aking sinabi, ng isang pasahero. Nginitian ko na lamang ang lalaki bago umiwas ng tingin, mukhang narinig narin ng driver dahil ilang milya nalang ay makakababa na ako. When i finally arrive at the building, nag punas muna ako ng pawis sa'king noo bago kumatok sa kanilang pintuan. Thirdy openee the door for me. Sinalubong ko siya ng ngiti. His eyes widened a bit. "Scar! Tara pasok ka!" His voice were joyful. He's just wearing a simple maong and t-shirt. Minsan nag tataka rin aoo dahil kapag pumupunta ako rito, ay nandidito rin siya. Minsan nga naiisip kong tambay lang siya at hindi doctor e. I smiled. "Palagi kabang narito?" Nilapag ko ang dala-dala ko. "Minsan lang, kapag napupunta ka rito, yun din ang araw na nandidito ako.." My lips parted a bit, "ahh" tumango tango ako sa kaniya. Lumikha ng ingay ang paligid, but in outside, walang isang tunog ng instrumento sa labas, seems this room were sound proof. Bumaba ang tingin ni thirdy sa'king hawak. "Thank you for these, lagi ka nalang nag aabala.." he chuckled. I smiled at him and roam my eyes around. "Si zaimon?" Abala naman si thirdy sa pag aayos ng dala ko, nilalabas ito mula sa plastic. He lifted up his eyes at me, nakaningkit ang mga mata kaya tinaasan ko siya ng kilay. Thirdy chuckled, napailing siya at binaba ang tingin sa kaniyang ginagawa. "He's here, nung isang araw pa masama ang pakiramdam, mabuti nalang ay okay okay na siya.." kumento niya. I licked my lower lips, pasimpleng kinagat iyon bago tumango. "Mag papaalam na ako.." Nag tatakang tumingin siya sa'kin. "You still have class?" I nodded. "Oo, hanggang two - thirty rin.." mag sasalita pa lamang siya ng sunod sunod na ang pag sulpot ng banda. Nakaawang ang mga labi ng makita ako at tumingin sa'king dala. "Tangina, nagugutom na'ko pre, arat na.." ani vyne bago nag hahadaling lumapit samin, natawa naman naman ng pagak sa kanilang asal. Mukhang gutom na gutom sila, and they didn't bother to buy themselves a foods. Talaga nga naman. My eyes shifted at zaimon. Blangko lamang siyang nakatuon habang nakatingin kina vyne at thirdy na mukhang gutom na gutom, these two were the friendly amon them. They can easily lighten up the mood. While, zaimon, eren and vioxx tahimik lamang and they look like intense. However, pinaka suplado parin sa'kin ay si vioxx and zaimon, si zaimon slight lang habang si vioxx ay sobra. Zaimon walked closer at me, iiwas pa lamang ako ng bigla siyang tumayo sa'king gilid. Alangan kong pinakaramdaman siya habang nakatingin sa tatlo. Eren, thirdy and vyne were eating habang si vioxx naman ay nakita kong umiling bago tumalikod sa'min, I even heard him murmured some words ngunit hindi ko naintindihan. "Did you already ate?" Zaimon's baritone voice besides me. I licked my lower lip once again. "Hindi pa.." "Sabay kana sa'min.." Agad akong tumingin sa kaniya. His eyes were now staring at me, ako na ang unang nag iwas bago huminga ng malalim at pinakawalan ito, at umiling. "Susunod ako sa kaibigan ko, napadaan lang talaga ako para ihatid sa inyo 'yan.." Natahimik naman siya sa'king tabi. Bigla tuloy akong napaisip dahil hindi ko pa soya nakakamusta, kung ano na ang kalagayan niya. I glanced at him. "Maayos naba ang pakiramdam mo?" Tumingin siya sa'king ngunit sandali lamang. "Yes" Tumango ako ng bahagya bago iniwas ang tingin. Sakto namang pag iwas ko ng magtagpo ang mata namin ni thirdy. "Kain ka scar!" Pang anyaya niya. "Scar?" Rinig kong bulong ni zaimon. Hindi ko na siya nilingon at ngumiti kay thirdy at umilong. "Hindi na aalis narin ako-" Lumipat ang aming tingin sa biglaang pag bukas ng pinto. Hes eye brows arch and and her eyes were blood shot, agad na tumingin siya sa aming likuran na ang hula ko'y, she's looking at vioxx. Her eyes shifted mine. "You're here again.." Natahimik ako at nakagat sa pang ibabang labi. "I was about to leave, sorry, nag dala lang ako ng pag kain para sa kanila.." nilingon ko ang banda. I smiled a bit, ngunit tinaasan parin niya ako ng kilay. She walked towards on us, at nilapag ang kaniyang purse sa mesa. "Do you like someone here?" Agad na nanlaki ang aking mata, bago maka tanggi ay may sumagot na para sa'kin. "She has a boyfriend.." si eren. Julia's eyes shifted at zaimon. "Iba boyfriend niyan uy! Seselos ka lang sa kaniya e, you missed us 'no.." pang aasar ni thirdy at inakbayan ang kanilang manager. Ngumisi ang lahat pwera kay vioxx at zaimon. Naiintindihan ko naman silang dalawa. Vioxx liked her, while zaimon was still new, siguro hindi pa noya ito ka close unlike this four. "Yuck! Umayos ka nga!" Nandidiring saad ni julia when thirdy kissed her cheecks. Nanlaki ang mata ko. Vyne glanced at me, smirking. "Don't mind them, ganyan lang talagang dalawa 'yan at walang halong malisya.." Ngumiti ako at tumango. Nag iwas na siya ng tingin at nakisama sa pang aasar o pang lalambing sa kanilang manager. She was a years old then me, habang si thirdy ay kasing edad niya naman ito, matagal na pala silang mag kakilala at mag kaibigan, kaya lambingan lang daw 'yon at sanay na sila. "Eat first before you go, that's my request then.." si zaimon sa'king gilid. Napanguso naman ako at wala ng sinabi. He handed me the paper plate kaya tinaggap ko na lamang iyon at tumayo, nag lagay ng pagkain sa'king plato. "What's about gaze?" Nag simula na silang mag kwentuhan muli. I was quite when they started talked again. Wala naman akong alam sa kanilang pinag uusapan. Kaya nanahimik na lamang ako. Matalim na tinignan ni julia si vioxx bago inirapan. "Their manager and I talked. Siguraduhin ko daw na bantayan yung ALAGA ko" Pagak na natawa si thirdy. "Kailan kayo nag usap? Their manager was guy right?" Ngising sinulyapan ni thirdy si vioxx. Ow..kay. Julia nodded. She crossed her arms in front of her chest. While, vioxx were staring at her, matalim ang tingin nito. It seems like he still something at her. "Ano pa pinag usapan ninyo?" Ngisi ni vyne. Mukhang nang aasar sila nvayon, dahil bawta tanong nila kay julia ay nililingon nila si vioxx habang nakangisi. "Well, kaklase ko siya nuong college kami, but weren't close. Kaya 'yon, basta! Ba't ba kayo nangingielam ha!" "Ay ayon" si vyne. "May something.." si third. Ang paraan pang pag kakasabi nila'y nang aasar. Pang aasar nilang muli. Our eyes shifted at vioxx, when he suddenly stood up and walked away from us. Tumawa naman sina third at vyne at nag apir pa, habang si julia ay gulong gulo, mukhang hindi nga talaga siya interesado kay vioxx dahil wala man lang siyang naging reaksyon ng kanina pa siya nitong tinititigan ng matalim. "May something amputa, bilisan niyo na nga!" Tumingin siya sa'kin. "Sabay na tayong umalis, i also want to tell you something.." My lips parted a bit, agad kong tinuro ang aking sarili. "A-ako p-po?" Nag salubong ang kaniyang kilay. "Anong po! Gosh! I'm not that old!" Nag tawanan ang banda na naiwan sa loob, maging si zaimon ay narinig ko ang malalim niyang pag tawa. I pressed my lips together. "S-sorry, sige.." saad ko. Nag usap silang muli bago tuluyan ng mag paalam si julia sa kanila. While zaimon lean at me. "After your class, we will go somewhere.." Napatingin ako sa kaniya, at bahagyang napasinghap dahil sa lapit ng kaniyang mukha sa'kin. He's deep eyes were staring at me. Maging ang mapupulang labi niya. Agaran kong nilayo ang aking sarili sa kaniya. "O-okay.." "Bye boys, pag igihan niyo kung hindi gigisahin ko kayong lahat!" Pag papaalala ni julia. I looked at them. Saktong nag kasalubong ang aming mata ni zaimon. Umiwas ako ng tingin at bumaba ang tingin sa'king phone. To: malantod na tifanny Hindi na ako nakapunta, sorry. May pinuntahan lang kami. Papasok nalang ako next class ha. Nag angat ako sa kanila ng tingin. "Bye scar!" Si third. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Bye babe" mapang asar na sabi ni vyne. Sabay sabay na napatingin ang lahat kay vyne, agad na kumuha ng unan mula sa sofa si third at hinampas ito sa ulo ni vyne. "Tangina nito oh, nang agaw pa" saad ni third. Ngumiwi naman si eren habang si vioxx nama'y nanatili ang mata kay julia, while zaimon staring at me. "Parang gago amputa" kumento ni eren. Nag peace sign naman sa'kin si vyne, "Joke lang, ingat kayo!" Pang bawi niya. I glanced again at zaimon. Lumingon muli siya sa'kin, matapos tumingin kay vyne, his jaw clenched. "Una na kami, umayos kayo" julia's voice are serious. I smiled a bit, at zaimon ngunit hindi parin nag iba ang kaniyang ekspresyon, in fact he's the one who looked away first. Vioxx walked away, as usual. Julia closed the door. Hinintay ko na lamang siyang mag lakad sa'king gilid, before we walked away. Her stilletos echoed in the ground. Habang ako nama'y mahigpit ang hawak sa lace ng aking bag. "So, you have boyfriend?" I glanced at her. "Yes.." Tumango naman siya, at nag patuloy kami sa pag lalakad. She's comfortable with boys, maging ako rin naman. But being alone with her, i can feel the tense, parang ang hirap niyang kausapin. Dagdag pa ang mataray niyang mukha, when i always encountered her, palagi siyang galit. But she's indeed beautiful lady, shesy more matured than me, siguro dahil may katandaan na siya. "They can easily fall for you.." aniya sa mahinang boses. I gasped. Agad akong umiling. "M-mukhang.. hindi naman. They're just friendly.." She stopped from walking, humarap siya sa'kin kaya maging ako'y napatigil rin. "I loke vioxx" I gasped. "H-huh?" She walked closer at me. Nanatili akong nakatayo sa'king kinakatayuan habang siya'y nasa aking harapan. "You shouldn't fall for him. He's temptation, that you couldn't escape from" panimula niya. Lumayo siya sa'kin ngunit may sapat na espasyo para sa'min. "He likes young like you" she looked away and breathed. I looked away and feel the heat at the same time the wind. Sa loob ng building ay medyo open ang pangatlong palapag. Mukhang hindi rin alam ng fans ng banda ang kanilang kuta. Good thigh though, dahil privacy narin. "I hope you'll cooperate? I was expecting to you, that you'll be their just friend. I'm just hiding my feeling for him, dahil hindi pa ito ang tamang oras. I want him to be successful first, that's why I'm hepling them" pinasadahan niya ang kaniyang daliri sa kaniyang buhok. I was here standing infront of her, it looks like she haven't opened to anyone about her feelings over vioxx. Well, vioxx were indeed good looking men, ngunit sobrang suplado naman. Siguro may dahilan kung bakit siya suplado. Gulat ko'y when she suddenly smiled at me. " I never done this before, thank you for listening. I hope we'll be good friends.." saad niya. I smiled at her and nodded. "I'm all ears, you can talk with me all the time.." We started walked again, and talked about our lives. Tinanong niya rin ako kung ilang taon na ako. And find that she graduated with degree, at tourism ang kaniyang natapos. Kung hindi lang daw siya magaling mag manage sa banda ay baka matagal na siyang naging flight attendant. I just found out, na matagal na palang may gusto sa kaniya si vioxx. Sa una'y inignora niya lamang dahil bata pa nga nuon si vioxx. She didn't tell me that much story. But i found julia was straight forward person. Hindi rin siya mabait at masamang tao. Kinda like it tho, dahil totoo siya sa mga tao. Bago man o matagl na niyang kakilala. Mabilis natapos ang klase. Siguro totoo ngang the more you waited the time that you wanted, mas lalong babagal ang oras. At kapag marami kang iniisip, about a lot of things sobrang bilis ng oras. At first mae and tif. didn't let go of me. Tila nag tatampo na ito dahil sa palaging kong pag kawala. Nag dadahilan na lamang ako at sa huli'y sumisimangot sila sa'kin at hinahayaan rin ako. "Susumbong kita kay gary!" Natawa ako. "Ano namang magagawa non? He's just my cousin, mabuti sana kung may kuya ako o tatay ko siya, makokontrol niya ako.." umirap sila sa'kin. Habang si mae mapanuring tinignan ako. All of the person, that i know. Sa kaniyang ako kinakabahan, dahil enzo know her. At palaging nag tatanong o nag uupdate si enzo about sakin sa kaniya. Wala naman akong ginagawang masama. I'm just doing these to clear my name, lalong lalo na I never cheat. Never. Sinikop ko ang aking buhok at nilagay sa'king kaliwang balikat. Mainit ang paligid ngunit maganda ang sinag ng araw maging ang hangin. Nakita ko na mula sa'king kinaroroonan ang sasakyan ni zaimon. I walked towards to it. Tumawid pa ako dahil hindi man lang niya pwinesto ang kaniyang sasakyan wa madadalian akong pag sakay. I opened the door. He's looking straighly, habang abala naman ako sa pag sakay at pag sarado ng kaniyang pintuan. I glanced at him. "Saan tayo?" "I have something to buy" tumango ako ng alangan bago nag suot ng seat belt. He's quite all the ride, kaya pinilit ko naring manahimik. The last time we talked ay yung naka rooftop kami ng apartment nila, sa third floor. He's drunk anyway. Ang suplado ay palagi namang suplado. "Book store?" Bago pa ako lumingon sa kaniya'y nasarado na niya ang pintuan. Nauna na pala siyang lumabas. Napanguso naman ako at napairap bago bumaba mula sa loob ng sasakyan. Guess what? Nauna rin siyang lumakad papalayo sa'kin. Anong problema non? May regla na naman ba siya? I sighed before entering the store. Walang masyadong tao at tahimik ang lugar. Nilibot ko ang aking mata, nasan naman kaya 'yon? I finally saw his head, tumingkayad ako para makita man lang siya, dahil sa dami ng book shelves mahirap hagilapin nag mata kapag may hinahanap ka rito. "Ano bang.. hinahanap mo?" I asked him,ngunit hindi niya ko sinagot at patuloy sa pag hahanap. Kaysa naman kulitin ko siya'y nanahimik na lamang ako. After a few minutes, natapos narin siya and they went at counter. Lumabi naman ako at lumabas sa loob ng store at iniwan nalang siya ruon. Bahala nga siya. I waited him oustide of the store. Nasa kabilang kalsada pa kasi yung sasakyan niya at hindi naman ako makatawid at baka paalis narin siya sa loob. So i stayed here, waiting for him. Ang busina, maging ang init na halong lamig ng hangin ang humagod sa aking balat. It's quite poluted here, dahil mag kakatabi na ang samu't saring store maging ang kainan. Tahimik lamang kaming bumalik sa loob ng sasakyan. I was glancing at his paper bag, at hindi ko alam kung ano ang kaniyang binili. Humalikipkip na lamang ako at nilibang ang sarili kakatingin sa labas ng bintana. We finally arrive outside of his apartment. He opened the door before we going in. Napa buntong hininga naman ako at hinintay siyang may sabihin o iutos. "Clean the house, huwag ka ng mag laba dahil naka pag laba ka naman na kahapon.." aniya. Lumabi naman ako at tumango, hinubad mula sa'king katawan ang aking bag. While zaimon, went to his room at sinarado iyon. Luminga ako sa palagid at napansing wala namang kalat, siguro 'y mag wawalis lang at mag huhugas ng pinggan. Muli kong binalingan ang pintong pinasukan niya at inirapan iyon at nag simula na. "Are you done?" After minutes he went out from his room. Tummago ako sa kaniya habang umiinom sa baso. He walked towards at me, kaya umatras ako upang makadaan siya. My eyes widened as i felt his chest on my back. Halos mabuga ko ang aking tubig kaya nabilaukan ako. Umalis naman siya sa'king likuran and I just realized that he's topless! Gosh! Ang mata ko'y dumaan sa kaniyang katawan. "Uh-huh?" My eyes lifted at his face. Nakakunot ang kaniyang kilay. "Chocked on water?" Mapang asar na sabi niya bago ako tinalikuran. While me, I was staring to his back na naka sampay na mahabang towel hanggang sa mawala na siya. I closed my eyes tightly. Doing breath in and breath out. Saka ko na lamang nalaman na nasa likuran ko 'yong basurahan. "Come with me in the rooftop!" Sigaw niya mula sa labas. Nataranta naman ako at agad na nilagay ang baso sa lababo. "Coming!" I said. Napanguso naman ako at sinikop ang aling buhok dahil sa lakas ng hangin. We're now in the rooftop. As usual, may roon na namang siyang beer in a can. Kanina pa ako napapatingin sa kaniyang dala kanina. While he's just staring straighly, halos malapit narin mag gabi. "It's my mom's birthday today.." panimula niya. Ang hula ko'y he's tipsy again. Nagiging madaldal lang naman siya kapag lasing e. Lasingin ko kaya 'to? Joke, baka kung ano na naman mangyari. Tahimik lamang akong nakatingin sa kaniya. He's holding the can right hand, habang naka lagay naman ang kaniyang kamay sa upuan, tila suporta sa kaniyang katawan. "She's.. fifty six.. and it's been a year" umiling siya, and sip from his drink. "Going two years , na wala ako sa kaniyang tabi.." Kinuha niya ang paper bag at inangat at pinakita sa'kin. "It's greek mythology book, my gift for her. For sure may handaan ang pamilya ko ngayon, and sean was the only was that I can give my gift for her.." Iniwas niya ang tingin sa'kin. "She likes books, she likes to read. Lalong lalo na kung tungkol sa greeks, goddess and everything.." Muli siyang tumungga sa kaniyang iniinom. "I missed my mom, i missed her so much.." Alangan na nilandas ko ang aking palad sa kaniyang braso kaya napatigil siya sa pag inom. Hinagod ko ng marahan ang janiyang braso at saktong pag lingon niya sa'kin na nag tagpo ang aming mata. I smiled. "For sure your mom missed you too. Kahit hindi ko alam ang totoong nang yari tungkol sa pamilya mo. But I hope, someda, you'll live your life to the fullest that you deserve.." "She appreciates every gifts that you gave for her... Alam ko 'yung sakit at pangungulila ng isang ina sa anak niya. Lalong lalo na ang anak na gaya natin, maswerte ka pa nga 'coz your mom still alive. Sana mag karoon ng pag kakataon na mag kita kayo.." I smiled at him. Blangko lamang niya akong tinignan bago siya na nag iwas ng tingin. Pinag laruan ko ang aking daliri. "We're the same page. But my mom, was died when I was young. Sana mag kita kayo, or tried to contact her o kahit patago lamang pag kikita ninyo. Hindi sa nang hihimasok.. pero na sa iyo parin ang desisyon. But i hope, you'll not regret your decision.." - "Sama kana sa'min scar!! Please!!" Third and vyne pleaded. Lumuhod pa sila sa'kin kaya agad kong hinila ang kanilang kamay. Umiling agad ako. "Baka mapagalitan tayo ni julia.." They used their puppy eyes at me. Parang mga bata talaga. Plano kasi nilang mag videoke at mag timezone sa mall, they're childish. Minsan iniisip ko ring wala sa tamang pag iisip 'tong mga 'to, pwede naman kasi dito nalang sila kumanta. "Hay nako.." i frustratedly said. "O siya siya, mag si ayos na kayo, kapag tayo napagalitan ni julia ha!" "Yes!" "Yohoo! Thanks scar!" They exclaimed. Habang sila, zaimon eren at vioxx. Bordong tinignan kaming tatlo. Kung ang dalawa'y excited sa labas, etong tatlo naman hindi. Vioxx masaged the bridge of his nose. "Two hours okay?" Tumango na lamang at nag singayon ang lahat kahit ayaw ng lahat. My eyes shifted at zaimon, and he look so bored. Napa labi naman ako at iniwas ang tingin sa kaniya. They wear their sunglasses and their cap, paniguradong pag nalaman ni julia ito'y lagot silang lahat, baka pati ako 'y masama. When we finally inside of the car, ako naman ang nasa harapan habang ang nag dadrive ay si zaimon. Habang ang apat nama'y nag sisiksikan sa likuran. "Kandong ka nalang pre kay vyne" saad ni eren kay vyne. Gulat ko 'y umupo nga talaga siya sa binti nito. Sabay sabay silang napatingin sa'kin. I looked away. "T-tara na?" Maingay ang apat sa likuran dahil nga daw masikip, kung gaano kaingay siyang kay tahimik naming dalawa. I was just silently staring outside. Makalipas ng ilang minuto. "We are here.." zaimon announced. "Hay salamat, tangina bigat nitong gagong 'to" "Natusok na nga pwet ko pre ng tuhod mo" pag balik ni vyne. Hindi ko na narinig dahil sa pag baba ko mula sa sasakyan. A relief tho, hindi kami masyadong nakakuha ng pansin sa iilang tao. Siguro hindi sila kilala ng ilan, maganda narin dahil hindi masyadong ma tao. I surrounded by these men's. Nasalikuran ako nila vyne at third habang nasa gilid ko naman si zaimon, habang si eren at vioxx ay nasa aking likod. I wonder, nakakalabas pa kaya silang mag kakasama? O first fime nila? 'yung dalawa kasing nasa harapan parang mga batang nakawala sa hawla. I roam my eyes around. Wala naman akong bibilhin at wala naman akong interes sa mga ganitong bagay. Lumipat ang aking tingin kina vyne. Excitement at their act when we finally inside of the timezone. Napa tapik naman ako sa'king noo na halos mag twinkle ang kanilang mata sa mga nakikita. Vyne rushed towards at vioxx. "May card ka? Wala ako pre, bili mo 'ko.." matalim na sinukli ni vioxx, he sighed before nodding. Vyne glanced at me. "Tara scar!" He exclaimed and hold my wrist. Napaitlag naman ako at nag pahila. We're now infront of the basketball. Nilingon niya kung nasan si vioxx, waiting for him. Pinag laruan ko ang controller. "Ngayon lang ba.. kayo nakalabas uli?" He shook his head. "A months ago narin, we want to hang out but our sched were hectice.." nag kibit balikat siya. "Kaya medyo, when we stressed we always went here.. kahit pang bata, iba rin talaga kapag ganito 'yung ginagawa.. just like other kids or seniors here are enjoying here. So we are.." Vioxx handed him the card. Mukhang stress na stress na siya. "Parang gago ampota!" Saad na sabi ni vyne ng hindi niya ma shoot ang iilang bola. Natawa naman ako at kumuha ng bolang nahuhulog at triny rin. Our lips parted. Sabay pa kaming napatingin sa isa't isa. "Omg!!" Parehas na kamay pa ang aming ginamit at nag apir. I felt someone on my back, but i choose not to glanced at him. Patuloy parin ako sa pakikipag compete kay vyne. Hindi ko narin alam kung anong ginagawa ng iba, but we mind our business here. It was my first time, after so many years. Wala narin kasing time, at hindi naman pumasok sa isipan ko hbnag nasa date kami ni enzo. Saktong pag ka shoot ng bola, ng siyang pag atras ko upang maka kakuha ng lugar upang maka bwelo ay siyang pag kawala ng balanse ko. My eyes widened when i felt arms around on my waist. Napasinghap ako at unti-unting nilingon siya. He chuckled. "You're not in basketball court scarlet.." Zaimon said using his baritone voice, natatawa pa siya at sumingkit ang kaniyang mata. Agad akong tumayo at nilayo ang aking sarili sa kaniya. Napalunok ako at inayos ang aking dakit at alangan na binalik sa kaniyang ang mata. "S-sorry.. ang oa ba?" Umiling siya. "Not really.." aniya habang ngumi-ngiti parin. Siya na ngayon ang nag shoshoot ng bola habang naka ngiti parin. He glanced at me. "You're.. cute.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD