HOPE POV ~~~ Pagkalipas nga ng tatlong araw ay pumunta kami sa Las Vegaz at dun nagpakasal. Madalian,simple. Pero worth it at masaya ako. Legal na akong Collins ,pero magagamit ko lang yon after ng graduation namin. Dalawang araw pa kaming nag stay,sinulit talaga namin. Sayang kung hindi namin i-enjoyin ang unang dalawang araw bilang legal na mag asawa. Ng makauwi naman sa Pilipinas ay nagulat ako dahil hindi na kami sa bahay namin dumiretso kundi sa isang malaking bahay. At itinaon nila na ang pag uwi namin ay kasabay ng blessing ng bahay Masaya ako,lalo kong naramdaman na isang pamilya na kami. At yun nga syempre hindi nawala ang kainan at kasiyahan. Tuwang tuwa nga si Epholyn ,lagi na daw nya mapupuntahan ang lola nya at kasama rin sa bahay sina mama at papa. Paano ba naman,katapat

