Nemerrie’s POV
Hain Henan-Canalla is a 32-year-old bachelor owner of HHC Network, the biggest television network in the whole Reveni Empire. His mother is the eldest sister of the current emperor of this country and that makes him one of the imperial princes.
People called him behind his back as a rogue prince.
And what makes them call him that? Well, for a prince, he is not really nice.
He never smiles at anyone, especially in public. He is rude, harsh and merciless to the people who upset him. At madalas pa, sobra siya kung magparusa sa mga empleyado niyang nagkakaroon ng pagkakamali.
People see him abusing his power as an employer but they can’t do anything against him. They need their job and they are afraid of what he might do to them if they file anything against him.
That is why only a handful of people have the courage to approach him. Just like Miss Loren who was casually talking to him as of this moment.
While the others are trying to do their job perfectly and feel nervous to make even the slightest mistake.
Maliban doon, hindi din nakaligtas sa mga tao ang itsura nito.
Well, he is handsome. Mula sa makapal-kapal niyang kilay, malamlam na mga mata na para bang nakakalunod sa tuwing tititigan ito. His redish lips that everyone will surely love to kiss.
He is even tall, with his six feet height that compliments his body built na halatang alaga sa exercise.
Pang-male lead sa isang kwento ang dating niya.
But people couldn’t appreciate his good looks because they only saw his deep scar on his left face. Mayroon iyong peklat na parang marka ng ex at ilan pang burn marks na siyang sumira sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.
Ang alam ko ay masyadong malalim ang mga peklat niyang iyon na kahit ang mga technology sa ibang bansa ay hindi ito kayang alisin.
Kaya nga mayroong mga empleyado na palihim siyang tinatawag na halimaw. Dahil pangit na daw ang itsura nito, pangit pa din ang ugali.
But I disagree with them.
Even with those scars, gwapo pa din siya sa paningin ko. And I don’t really know why. And to be honest, most of the male leads of the storyline that I created were based on him, well, not exactly him.
Hindi ko ini-include ang physical flaws niya dahil siguradong makakahalata ang mga katrabaho ko tungkol doon. But I made my male lead almost perfect but has flaws, just like him because I am inspired by him for being the best example of a human.
A person with a flaw but it doesn’t stop him from doing what he wants in his life.
Wala naman kasing perpektong tao. Every human on this planet has their very own flaws. Nasa kanila na lamang kung paano nila ito tatanggapin habang nagkakaroon sila ng character development.
Nakita kong tapos na ang pag-uusap ni Miss Loren at Mister Canalla kaya agad akong lumapit nang sa kanila. Agad kong nakuha ang atensyon nila kaya bahagya akong yumuko bilang pagbati sa aming big boss at ngumiti nang mapatingin ako sa kanya.
Tumitig lang siya sa akin pagkuwa’y tumango bago umalis sa harap namin ngunit nananatili ang tingin ko sa kanyang likuran.
Ganito ang madalas na interaction ko sa kanya tuwing nagkakasalubong kami dito sa network. Kapag may pagkakataon ay lagi ko siyang tinitingnan para ma-describe nang husto ang mga characters ko na naka-base sa kanya.
“Ang lakas talaga ng loob mong bumati sa boss natin, huh,” natatawa na sabi ni Miss Loren habang tinatapik ang braso ko. “Iyong iba nga, halos takot na tumingin doon.”
“He will not eat me just by greeting him, Miss,” sabi ko at bumaling sa kanya dahil tuluyan nang nawala sa paningin ko si Mister Canalla. “Anyway, hinabol kita dahil gusto kong sabihin sayo na wala akong alam sa gown na sinusuot para sa premiere. Ito kaya ang unang beses na ni-require mo akong um-attend sa ganito, hindi ba?”
“Then, should I handle that for you?”
Mabilis akong tumango. “But please, choose a gown that is not expensive. I don’t want to waste money that I will only use once.”
“Do you want a premade or I will ask someone to make a gown for you?”
“I’m fine with premade,” sagot ko. “Mas mura iyon at makakapili ako ng komportable sa akin.” Nagtitipid ako para sa bakasyon ko next month kaya hindi ako gagastos para sa isang gown na siguradong sa gabing iyon ko lang naman masusuot.
“I will prepare something,” sabi niya. “Tatawagan kita next week para makapili ka.”
“Okay,” sagot ko. “Now, uuwi na talaga ako. Hintayin ko na lang ang tawag mo.” Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at agad nang tumakbo.
Sa totoo lang, nagmamadali lang akong umalis dahil gusto kong masilayan muli si Mister Canalla na siguradong tumatambay pa sa lobby para hintayin ang sasakyan niya na kukunin pa ng kanyang bodyguard sa parking lot.
At lihim akong napangiti nang makita siyang nakaupo sa lobby. Abala sa kanyang cellphone habang nakapalibot sa kanya ang mga bodyguard niya.
Pa-simple lang ang pagsulyap ko sa kanya. Syempre, nakakahiya kung makikita niya o ng mga bodyguard niya na nakatitig ako sa kanya.
At salamat sa skills na na-develop ko mula pagkabata ay hindi nila napansin ang tingin ko hanggang sa tuluyan akong makalabas ng building.
Doon ko pinakawalan ang ngiti ko at para hindi pag-isipang baliw ng nakakasalubong ko ay agad kong sinuot ang half mask ko.
Well, ang kaunting oras na nasusulyapan ko ang crush ko ay ang main inspiration ko sa pagsusulat ng mga storyline at scripts ko. Never naman kasi akong nagkaroon ng kahit anong relasyon kaya ito lang ang pinagbabasehan ko ng mga ideya ko.
And seeing him is enough for me. Not that I am afraid of him.
Hindi ko lang talaga alam kung paano siya ia-approach gayong boss ko siya habang isang hamak na empleyado lang naman ako. Baka mamaya ma-issue pa ako ng mga katrabaho ko.
Uso pa naman iyon dito sa network at madalas, minamasama nila kapag nagiging close ang mga nasa mababang posisyon iyong mga may mataas na posisyon.
Being safe is better than being sorry.