"BULAKLAK ULIT?" Nagtatakang tanong ni Ella sa security na may dala nang mga bulaklak. "For the beautiful lady." Iyon ang nakasulat sa card na naroon. Another bouquet of tulips. Mas marami 'yon kaysa nauna. Why would Gael keep sending her flower kung puwede naman nitong ibigay sa kanya. At isa pa nasa bahay naman ito. "Ano yan?" Salubong ang kilay na tanong ni Gael habang pababa ito nang hagdan. "Para sa akin raw, hindi ba ikaw ang nagpadala nito." Kuryos na tanong niya. "No." Naglakad ito palapit sa kanya. Saka kinuha ang card na hawak niya. "Sinong sira ulong nagpapadala nito sa 'yo?" Malakas ang boses na tanong nito. Bahagya pa siyang nagulat. "Hindi mo kailangang sumigaw no. Akala ko galing sa'yo." He took out his phone saka ito nang dial. Then someone phone rang. Napalingon pa

