GUSTONG HILAHIN Gael ang takbo nang lift nang makarating siya sa hospital. Papunta siya sa opisina ang matangap niya ang tawag ni Aron, nagkamalay na umano si Brendon. Kaya para siyang nabunutan nang tinik sa nalaman. Mabilis siyang lumabas nang bumukas ang lift. Hindi na siya sinita nang security nang hospital. He was in VIP room, at mahigpit ang bilin niyang walang ibang maaring magtungo sa private room ni Brendon maliban sa kanila ni Aron at ang security na kasama nito. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon sa kay Tita Julie. He became too confident sa mga tauhan niya. He can't risk Brendon life. "Boss," ngumiti ito nang maluwag na halatang masayang makita niya. Gusto niya itong pagalitan dahil sa naging reckless ito, na muntik nang ikamatay nito. "Masaya akong makita ka ulit." Uma

