"MR. DELA VEGA," tawag ni Detective Gomez dito. Pasakay na ito nang kotse. Nang harangin nila si Gael. Saka ibinigay niya dito ang warrant of arrest na nakukuha niya sa bisa nang mga ebidensyang natuturo dito bilang prime suspect sa pagpatay kay Jacob Escobar. Binahasahan niya ito nang Miranda rights bilang protocol. "Anong ibig sabihin nito?" Napatingin siya kay Ela na halatang nagulat na pagdating nila. Kaya napalapit ito sa kanila. "Puwede kang sumunod sa pres----" "No, you stay here with Gabbie," pakli nito sa sasabihin niya. "sasama ako nang maayos, Detective." Baling nito sa kanya. "Kailangan pa ba 'yan?" Saway nang bodyguard nito nang aktong poposasan niya si Gael. "Protocol lang," as usual, relax lang ito na tila hindi mababakasan nang pagkabahala. "He's really something else.

