MALALIM NA ANG GABI pero buhay na buhay pa rin ang mga partygoer, sa club na 'yon. Rowan was drinking with Luca. Buti nga at pumayag ito. Madalas kasi itong busy dahil sa kung anu-anong pinagkakaabalahan nito. May alaga itong aso na laging inaalala nito. Napailing siya nang ilapag nito ang cellphone nito. "Bakit ba aso ang pinagkakaabalan mo." Hindi niya mapigilang komento. Ngumiti ito. "Kasi ang mga hayop, hindi mareklamo. Isa pa sumusunod sila sa amo nila. Naiintindihan ko kasi sila. Pakiramdam ko ganun rin ako." Makahulugang saad nito. "Parang hindi naman, madalas ka ngang wala." He took a sip of his brandy. "Pero ayos lang, si Dad lang naman ang may gustong may bodyguard ako. Kayang kaya ko naman ang sarili ko." "Pinoprotektahan lang kayo ng ama n'yo Boss. Siya nga pala, anung plan

