"AYAW KO!Huwag kang umalis." Parang batang napakapit pa si Nanay Catalina sa braso niya. Nagpaalam siya dito na sasama siya sa kaibigan ni Tatay Molo. Kahapon ay sinubukan siya ni Nick kung kaya niya itong patumbahin. He was a well built man, halatang alaga sa paggigym ang singkuwenta anyos na lalaki. Pero isang malakas lang na suntok niya ay sumimplang na ito. Hindi rin naman niya inaasahan 'yon. Malakas pala talaga siya. Madalas lang siyang magjogging sa umaga. At gumawa ring siya nang punching bag na gawa sa buhangin na binalot nang makapal na tela. Pakiramdam kasi niya madalas niyang gawin 'yon dati. Isa itong broker sa isang tagong Underground fighting ring. Iyon ang sabi nito sa kanya. Gusto rin naman niyang makatulog sa dalawang matanda. Hindi naman ganun kahirap ang buhay nang mg

