Sa dami ng taong pwede kong makita, bakit si Cleo pa? May atraso ako sa kaniya. Biglang sumiklab ang kaba sa aking dibdib. Si Sam! Paano kapag nalaman ni Cleo ang relasyon namin? "Hey Cheena's PA!" Napakurap ako at muling tumingin kay Cleo na nakataas ang kilay. Nakapamewang siya sa harapan ko. "Nasaan ang amo mo? How did you know this place? Hindi pwede ang tulad mo dito unless there's someone who vouch you. Is that Cheena or that Jerk?" Wala akong sinabi. Naudlot lang ang aking ihi at dire-diretsyo lang akong lumabas ng banyo. "Hey!" Rinig kong tawag sa akin ni Cleo. Wala akong balak makausap siya. Hindi naman kami close! Nagmamadali akong lumabas ng banyo. "Wait up! Why are you running away?!" Naririnig ko ang pagtapak ng takong niya. Naknang! Hinahabol pa ata ako.

