"Una at pinakaimportante sa lahat, bawal tayong magpansinan sa trabaho" sambit ko habang naghuhugas ng hapagkainan namin. Nag-uusap na kami sa kasunduan namin bilang isang sikretong relasyon. Ayaw ko namang dahil hindi namin napag-usapan ito, baka maghiwalay kaagad kami. Hindi pwede 'yon! "No. Ang hirap naman ng sinasabi mo. Bakit hindi tayo pwede magpansinan?" Tutol niyang sambit. "Dahil baka may makalahata" Nag-iingat lang naman ako. "No. How about walang landian sa work?" Sinarado ko ang gripo bago naniningkit na tumingin kay Sir Sam. "Talaga ba? Hindi mo ako lalandiin?" "Bakit ganiyan ka makatingin? Sobrang landi ko ba?" Hindi ako makapaniwalang bumalik sa ginagawa ko. "Hindi mo ba alam na diyaan mo ako nakuha?" "Nope. I'm just charming I guess" sinisilip niya pa ako

