Nakakapagod pero sulit ang biyahe. Hindi ako naihatid ni sir Sam dahil busy siya pero masarap na din sa pakiramdam na makatanggap ng simpleng - "ingat" sa kaniya. Sinalubong ako ni inay at itay sa may terminal. Kasama niya ang panganay naming kapatid na si Greg. Siya ang nagbuhat ng mga bagahe kong mabigat. Dumoble pa kasi 'yon matapos akong bigyan ni Sir Sam ng mga groceries. Sobrang grateful ako at marami akong dala para sa kanila. "Na-miss kita anak. Kamusta ka sa Maynila ah?" Niyakap ako ni Inay at kaagad ko naman siyang niyakap pabalik. Pinigilan kong tumulo ang luha sa aking mata dahil ayaw kong nakikita nila akong mahina. Ito rin ang unang beses na nalayo ako sa kanila kaya miss na miss ko sila. "Mabuti ho. Maganda ang napasukan kong trabaho" "Buti na lang talaga anak at

