CHAPTER 34

2124 Words

"Ms. Cheena, baka mamaya pa ako makauwi" Mamaya pang hapon ang schedule ni Ms. Cheena ngayong araw. Wala silang taping kaya nagpaalam na rin ako. "Silly, okay lang. Enjoy your day basta huwag ka malalate mamaya" "Salamat Ms. Cheena" Pinatay ko na ang tawag bago ako naglalakad papuntang kusina. Tulog na tulog pa din si Samuel samantalang ako wala ay hindi nakatulog ng maayos. Iniisip ko pa rin kasi ang nangyari kagabi. Namumula na naman ang pisngi ko. Ginawa ko na talaga! Hindi ako makapaniwala. Para pa rin akong nananaginip. Pinagluto ko si Sam ng lugaw para mamaya ay mawala na rin ang kaniyang hangover. Iinit ko na lang. Mahina akong kumakanta habang hinihintay na maluto ang lugaw. Napakayapa ng umaga na iyon hanggang sa may marinig akong bumukas na pinto. "Gigi"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD