(Same day as Gwen and Alixson are having their training.) Phoebe's POV Umalis na ako ng masabi ko na sa dalawa ang dapat kong sabihin, dumiretso ako sa secret place ko dito sa academy. May aasikasuhin akong importante. Pumasok na ako sa elevator disguised as a tree, at pinindot ang button kung nasaan ang computer room. Pagkarating ko roon ay agad akong umupo sa swivel chair na katapat ang maraming computers. Nakaopen lahat ng mga ito at makikita ang lahat ng lugar dito sa academy. Minomonitor nito ang mga pangyayari sa loob ng academy para malaman ko kung ano na ang nangyayari sa lahat ng lugar. Ng macheck ko na wala namang kaguluhan ang nangyayari sa academy ay pumunta na ako sa isa pang kwarto na may kulay itim na pinto. Pumasok ako roon at bumungad sa akin ang isang malaking ho

