Nagkatinginan kaming lahat at napatango sa sinabi ni Mrs. Lisanna. "Hindi ganoon kadali ang sinasabi mo, Lisanna.." Sabay kaming napalingon sa biglang dumating. Nakita namin si General Rui na seryosong papalapit sa amin. "Alam ko naman na hindi iyon madali," sagot ni Mrs. Lisanna sa kanya. "Kaya nga, hindi kayang labanan ni Hermes lahat ng dragon kung sakaling magkamali sila doon. May iba pa naman na maaaring makatulong kay Hermes para labanan ang mga dragon ni Agathon," seryoso niyang sabi. Natigilan ako at hinintay ang sunod niyang sasabihin. Maging ang mga kasama ko ay nag aabang rin. "Bago kayo makarating sa Lema ay madadaanan niyo ang maliit na bayan ng Dragona. Mga taong-dragon ang mga nakatira doon at mula sila sa kaharian ng Lema. Dati silang taga-sunod nang dating namumuno s

