Chapter 18-Under the moon

1215 Words
Naalimpungatan ako at napatingin sa labas ng bintana nang aming silid. Nakita kong nakabukas ito. Napatingin ako kay Rico at nakita ko naman mahimbing ang tulog niya. Kaya kahit inaantok ako ay pinilit kong bumangon upang isara ang bintana. Isasara ko na sana iyon nang may napansin ko sa labas. Nawala bigla ang antok ko sa nakita ko. May isang nilalang na nakaupo sa isang sanga ng kahoy. Tiningnan ko itong mabuti at natigilan ako ako. Nakikita kong may mga buntot ito ng tila isang lobo, pero hindi siya isang lobo. Parang nakita ko na iyon noon sa internet. Isang... Fox? Mariin akong nakatingin dito. Mayamaya ay biglang nagbago ang anyo nito at naging isang tao. Natigilan pa ako nang makilala ito. Walang iba kundi ang Princesa. Deretso siyang nakatingin sa akin habang nakaupo siya sa isang sanga ng puno sa itaas. Bakit siya nandito? Pupuntahan ko ba siya? Napabuntong-hininga ako. Umalis ako sa bintana at pinuntahan siya sa labas. Sigurado akong nandito siya upang kausapin ako. Imposible namang iba ang pupuntahan niya dito. Nang makalabas ako ay lumapit ako sa kanya. "Mahal na Princessa, gabi na anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin at bahagyang tumingin sa malaking buwan na nasa kalangitan. Napatingin rin ako doon. Napakalaki ng buwan at subrang liwanag ng paligid dito. Napakagandang pagmasdan, nakakaakit tingnan. "Masyadong mapang akit ang liwanag ng buwan, kaya naman lumabas ako upang makita ito. Ngunit gusto ko itong tingnan, kasama ka. Pwedi mo ba akong samahan?" sabi niya at bumaling sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya at tila paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang huli niyang sinabi. Gusto niyang makita ang buwan kasama ako? Bakit naman? Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Kaya naman ngumiti lang siya sa akin. Nalilito ako kung sasamahan ko ba siya o kung ano. Baka kasi may makakita sa amin pero tahimik na ang paligid kaya siguradong tulog na ang mga tao dito. Napagdesisyonan kong samahan na lang siya. Baka pagtumanggi ako ay kung ano pa ang isipin. Tumalon ako patungo sa sangang kinauupuan niya at tumabi sa kanya. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingin sa magandang buwan na nasa harapan namin. "Ang galing nang pinakita mo kanina," narinig kong sabi niya. Kaya napatingin ako sa kanya. Nanatili lang siyang nakatingin sa itaas, habang may ngiti sa labi. Biglang may tanong na pumasok sa isip ko. Lagi nga ba silang nagkikita tuwing gabi ni Hermes? Bakit ganito ang turing ng Princesa sa kanya. Posible kayang may relasyon silang dalawa o nagmamahalan? Bakit ganito na lang kabait ang Princesa kay Hermes? "Akala ko nga noon wala ka talagang kakayahang makipaglaban. Dahil lagi kitang nakikitang binubully ng mga kasamahan mo. Gusto ko mang tulungan ka ay ikaw na mismo ang nagsabi, na kahit anong mangyari ay hindi ako mangingialam kung sakaling mapahamak ka. Hindi ako sang ayon para doon. Ngunit sa nakikita ko ngayon ay mukhang may laban ka naman pala. Magaling ka at iyon ang nakikita ko saiyo," komento niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita at nanatiling tahimik lang. Nakaramdam ako ng kaunting awa para sa kanya. Dahil ang buong akala niya ay ako ang Hermes na kilala niya. Gusto ko mang sabihin sa kanya ang totoo ay siguradong hindi siya maniniwala at malilito lang siya. Tulad nang unang sabihin ko iyon kay Rico. Kaya sa ngayon hindi ko muna sasabihin sa kanya at baka magka-problema pa. "Maraming salamat, mahal na Princessa," nakangiting sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Napansin ko ang mga nagtatanong niyang mga maya sa akin. Hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko, kaya siya ganyan makatingin. "Bakit pakiramdam ko ibang tao ang kaharap ko?" biglang sabi niya. Natigilan naman ako dahil doon. Posible nga bang naramdaman niya iyon? Paano na iyan! "B-Bakit mo naman nasabi iyan?" kinakabahan kong sabi. Mariin siyang nakatingin sa akin at sinusuri akong mabuti. "Kapag tayong dalawa lang ay Amera ang tawag mo. Samantalang ngayon 'mahal na Princessa', sinabi ko naman saiyo noon na kapag tayong dalawa lang ay Amera ang itatawag mo sa akin. Kaya bakit hindi pangalan ko ang sinasabi mo," nagtataka niyang sabi. Ibig sabihin ba talaga nito, may tinatago silang relasyon? "Hindi ko naman iyon nakakalimutan, pero mas gusto kong tawagin kayong 'mahal na Princessa' bilang respeto sainyo. Sana hayaan niyo na lang ako sa kung anong itatawag ko saiyo, mahal na Princessa," sabi ko sa kanya. Narinig kong napabuntong-hininga siya at iniwas na ang tingin sa akin. Muli siyang tumingin sa buwan, ganoon rin ako. Muli kaming natahimik dalawa habang nakatingin sa malaking buwan. Pakiramdam ko talaga may relasyon sila ni Hermes. Paano na lang pag nalaman niyang wala na pala ang Hermes na nakilala niya. Ano nga bang mararamdaman niya. Nakungkot ako bigla sa naisip ko. Hindi ako sigurado pero nararamdaman kong masasaktan siya kapag nalaman niyang wala na si Hermes. "Bukas, ibang tema naman ang mangayari. Gusto mo bang malaman kong ano iyon?" sabi niya sa akin. Hindi agad sumagot sa sinabi niya. Mayamaya ay napangiti na lang ako. "Huwag na, ayokong maging unfair sa mga kalaban ko. Ayokong paghandaan isang bagay kung alam ko naman magiging unfair iyon sa kanila. Mas gusto kong malaman iyon bukas, kasabay sila," nakangiting sabi ko. Naramdaman kong lumingon siya sa akin, kaya tumingin din ako sa kanya. Nakita kong nakangiti siya sa akin at mukhang nagustuhan niya ang sinabi ko. Tumango-tango siya, habang may ngiti sa labi. "Tulad nang inaasahan ko ay tatanggi ka. Alam ko naman na ayaw mong maging unfair sa iba. That's why you deserve better," nakangiting sabi niya sa akin. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Kamakailan ko lang siya nakita at nakilala. Kaya naman wala akong alam sa kung anong tunay na ugali mayroon siya. Ngunit sa nakikita at nararamdaman ko ngayon ay nasisigurong kong mabuti siyang tao. Tila ba napakahalagang bagay na dapat ingat at hindi maaring saktan. "Masyado nang malalim ang gabi, mahal na Princessa. Kailangan niyo nang magpahinga," sabi ko sa kanya Bahagya siyang tumango sa akin at ngumiti. Iniabot ko ang kamay sa kanya at tinanggap naman niya iyon. Sabay kaming tumalon pababa ng puno. "Ihahatid ko na lang kayo sa iyong silid, mahal na Princessa," sabi ko sa kanya. Umiling siya. "Hindi na kailangan, kaya ko ang sarili ko. Salamat sa oras mo," nakangiting sabi niya. Tumango ako sa kanya. "Walang anuman, mahal na Princessa," tugon ko. Bahagya pa kaming nagkatitigan dalawa at muling napangiti. Mayamaya ay bigla siyang nagbago nang anyo, tulad nang nakita ko kanina. Lumutang pa siya sa ere habang nanatiling nakatingin sa akin. "Kapag nanalo ka sa paligsahan, sasagutin ko na ang matagal mo nang hinihintay na sagot ko," sabi niya at tuluyan akong iniwan. Natigilan ako sa sinabi niya at naguguluhang nakatingin sa kanya papalayo. Matagal ko nang hinihintay na sagot? Anong ibig sabihin niya? May napag usapan ba sila ni Hermes tungkol do'n? Nakaramdam naman ako nang kaba dahil sa sinabi niya. Iniisip niya talagang ako ang Hermes na nakilala niya. Nasapo ko ang noo ko. Kapag natapos ang paligsahan, kailangan kong sabihin sa kanya kung sino talaga ako at kung nasaan si Hermes ngayon. Hindi pweding isipin niya na ako talaga ang kilala niyang Hermes. Hays! Bumalik na lamang ako sa loob upang makapagpahinga, para sa laban bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD