Nanatili akong nakatayo, habang nakatingin sa lugar kung saan siya nakatayo. Tama nga ako isa lamang siyang ilusyon. Isang ilusyon na siya mismo ang gumawa. Buhay siya at nasa Lema siya. Hinihintay niya ako, bakit? Inaasahan niya bang pupunta ako doon, na pupuntahan ko siya? Ngunit siguro, dahil siya ang ina ni Hermes at kamukha niya rin ang ina ko. Hindi kaya nandito rin sa mundong ito ang ama at ang...... kuya ko? Napailing ako. Imposible iyon. Hindi ko na nanaisin na makita pa ang kuya ko. Dahil baka makaramdam ako nang galit sa kanya. Kahit kamukha lang niya ang kuya ko ay makakaramdam pa rin ako ng galit sa kanya. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. May nakita akong liwanag sa dulo, kaya naglakad ako patungo doon. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mukha niya at ang ka

