Malalim na ang gabi at ngunit gising pa rin si Hermes. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makatulog. Mayamaya ay tumayo siya sa kama at naglakad patungo sa balkonahe ng kanyang silid. Habang nakatayo siya ay napatingin siya sa maliwanag na buwan sa kalangitan. Napangiti siya sa ganda nito. Tila ba ngayon lang siya nakakita nang ganito. Noong sa dating buhay niya ay wala siyang oras para tingnan ang mga ito. Masyado siyang abala para panoorin ito. Ngunit ngayon ay tila naakit siya sa ganda nito. Wala sa sariling napatingin siya sa itaas na bahagi ng palasyo. Sa silid kung saan naroon si Princesa Amera. Nanatili siyang nakatingin doon at bahagyang natigilan nang mapansing may nakatingin rin sa kanya, mula doon. Nasisiguro niyang ang Princesa iyon. Napabuntong-hininga siya at naglakas-loo

