Niveya's POV: "Kumusta ka Niveya?" nakangiting tanong sa akin ni Selene na nagdulot ng pagtaasan ng aking mga balahibo. Napaatras ako hanggang sa mahinang tumama ang likod ko sa pader. Nakatitig lamang ako kay Selene pero mahinhin pa rin ang kaniyang ekspresyon at kilos. Bakas din sa mata niya ang sakit pero baka namamalik-mata ako. Bakit naman siya masasaktan? Sa anong dahilan? "P-Please layuan mo n-na ako. Hayaan m-mo naman a-akong sumaya. Magkapatid n-naman tayo, k-kambal pa iconsider m-mo naman. L-Lubayan m-mo na ako p-please," umiiyak kong sabi. "Hindi ko alam na nandito ka, maniwala ka Niveya. Sinubukan ulit kitang hanapin pero hindi na kita matunton. Totoong boyfriend ko si Westwood pero wala akong intensyon sa 'yong masama. Kinukumusta pa nga kita maging ang pamilya mo sa e

