Niveya's POV: "Y-You are pregnant?" gulat na tanong ni Radon. Hindi ako nakakilos dahil parang malamlam na nakatitig ang dalawang pares ng mata niya sa akin. Hindi ko alam pero parang may pangungulila sa mga titig niya. Namamalik-mata lang yata ako. Imposible namang ganoon nga ngayon si Radon. Pusong bato kaya iyan na ang tanging laman ng utak ay babae. "I'm sorry, Anja! Hindi ko sinasadyang masabi! Gosh, my freaking mouth!" sigaw ni Finn at napasapo sa bibig. Hinila niya naman si Zilvan na nasa tabi ko. Nakangiti ko namang tinanguhan si Finn. Nakatitig lang sa akin si Zilvan at sumulyap kay Radon na nagtangis pa ang bagang. Alam kong galit si Zilvan kay Radon dahil itinuring niya na rin akong kapatid at kaibigan, maging kapamilya. Patay ako sa kaniya panigurado. Bugbog ako sa sermon.

