Niveya's POV: "Sir Radon, ito na po ang papeles niyo na pipirmahan. Saan ko po ipapatong?" tanong ko kay Radon. "Dito na lang," sabi ni Radon at iminuwestra ang tabi niya. Kaagad ko namang inilagay sa tabi ni Radon ang mga papeles. Inayos ko pa ito dahil baka gumuho at matabunan pa ang mga ginagawa niya. Bawal ang palampa-lampa at tanga sa trabaho. Patay ako sa kaniya panigurado at ayaw ko namang masermunan. Napakasungit ni Radon lalo na kapag may mga nagkakamali sa empleyado niya. Narinig ko nga kahapong sinigawan niya ang manager ng Factory Department. Pagkatapos kong maayos ang papeles sa tabi niya ay muli akong tumapat sa unahan niya. Magalang naman akong tumikhin para makuha ang atensyon ni Radon. Abalang-abala ito sa pagpirma ng mga papeles. Kulang na lang ay makipaghalikan sa

