Radon's POV: "Maayos naman na ang lagay niya, she still needs to rest at bawal na bawal ang masyadong gumalaw. Kailangan niyang magpahinga hanggang sa gumaling siya. Kailangan mo siyang bantayang mabuti," sabi ni Dra. Trinidad. "Salamat po. I'll take good care of her," sagot ko naman. It pains me, ang makitang ganito si Niveya. Wala ako sa tabi niya noong mga oras na manganak siya. Pinagdudahan ko pa siya at muntik na akong mahuli sa pagliligtas sa kaniya. I learned from the past at alam ko na ang mga bagay na hindi ko dapat na gawin. Ang kailangan kong gawin ay maniwala at magtiwala sa kaniya. My future wife. Hinaplos ko ang mukha ng honey ko. Nasa tabi naman ng kama niya ang baby namin na may sariling kama rin. Iyong mga lagayan ng baby sa ospital. May oxygen si Diesel dahil nahih

