Niveya's POV: "Hoy, alam kong nandito ang Ate Niveya ko! Ilabas mo siya!" Nanlaki pareho ang mata namin ni Selene nang marinig namin ang sigaw ni Myra. Nandito na siya, s**t! Ang bilis niyang makaabot! Naghahakot pa lamang kami ng gamit! "Anong gagawin natin?" tanong ko kay Selene. "Hindi ko alam pero baka napapaligiran na tayo ng mga kalaban na kasama niya. Kailangan nating lumabas at harapin si Myra. Kapatid pa rin naman natin siya, baka madaan natin siya sa usapan. Iyon ang baka sakali ko lang. Hindi rin natin sigurado kung armado siya o hindi. Maraming posibleng mangyari," sagot sa akin ni Selene. Naglakad kaming dalawa palabas ng bahay. Nakatanaw pa ako kay Baby Diesel na nasa loob ng incubator niya, pwede na siyang lumabas sa mga susunod na araw dahil unti-unti na niyang nak

